Title na Box Office King ni Aga kinokontesta ng mga fans ni Rico Yan
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - March 12, 2003 - 12:00am
Isa sa mga TV hosts-anchors na malaki ang respeto namin ay si Julius Babao. In the many years na nasubaybayan namin ang career ni Julius, nakita namin ang growth nito. Halos anim na taon din naming nasubaybayan ang Alas Singko Y Medya with Tintin Bersola. Since then, I’ve grown to like Julius. As a host, kitang-kita mo ang pagiging fair and objective niya. Makikita mo ito how he reacts fairly sa mga news and issues na dini-deliver niya sa Magandang Umaga Bayan.

Bukod kasi sa pagiging isang mahusay na TV host-anchor, pinaiiral din ni Julius ang kanyang pagiging human. He abhors violation of human rights. Nakikita mo kung paanong maawa si Julius sa mga biktima ng iba’t ibang abuses like rape at drugs. As a person, nakita ko rin ang kagandahang loob ni Julius. Everytime I would bump into him, lagi yang bumabati. Ramdam mo ang sincerity niya.

Nakita namin ang mga good traits na ito ni Julius kay Noli de Castro. Isa si Kabayan sa mga news personalities ng ABS-CBN na well-loved ng tao. Kaya ngayon, isa sa ipinagpipitaganang public servant si Kabayan.

Tunay na isang malaking asset si Julius sa ABS-CBN News & Current Affairs. At kung may plano man siyang pumasok sa politics, this early ay nakasisiguro na siya ng aking suporta.

May your tribe increase, Mr. Babao!
* * *
Kumpirmado nang si Claudine Barretto ang bagong Box Office Queen para sa dalawang blockbuster movies niya last year, ang Got 2 Believe at Kailangan Kita. Samantalang si Aga Muhlach naman ang tinanghal na Box Office King para sa Kailangan Kita. Si Aga rin ang reigning Box Office King.

Sina Piolo Pascual at Ara Mina naman ang tinanghal na Mr. & Ms. RP Movies. Sina John Prats at Heart Evangelista ang tinanghal na Most Popular Loveteam.

Nang lumabas ang official announcement ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, agad na nag-react ang mga tagahanga ni Rico Yan. Ayon sa mga ito, bakit daw hindi si Rico ang tinanghal na Box Office King considering na ang Got 2 Believe ang highest grossing movie last year? They have nothing against Aga kaya lang, dapat daw magkaroon ng paliwanag ang GMMSF dito.

Noong gabi ng Star Awards for Movies ay nakakwentuhan ng kaibigang Jojo Gabinete si Mrs. Corazon Samaniego, founding member ng GMMSF. Ipinakilala ako ni Jojo sa butihing founder. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na matanong si Mrs. Samaniego at ayon sa kanya, mayroon silang paliwanag sa isyu.

Ang hindi maipaliwanag ni Mrs. Samaniego ay kung sinu-sino ang nagti-text sa kanya asking the same question. Nagtataka siya kung paano nakuha ng mga fans ang kanyang cellphone number.

Sa April ang coronation ng Box Office King & Queen and by that time, nakabalik na ng bansa si Claudine para umattend ng coronation night. Last Friday night ay nakaalis na ito ng bansa para sa kanyang isang buwang bakasyon sa Canada. Kasama ni Claudine ang kanyang buong pamilya.

Bago umalis si Claudine, nagbigay ito sa akin ng statement, "I am not getting married. Not even in the next years. As in hindi talaga. My fans and friends need not worry. I’m just having a vacation."
* * *
Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos payagan ng korteng makalaya ay mapapanood si former San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa isang talk show. Guest si Jinggoy sa episode ng Morning Girls With Kris & Korina ngayong umaga. Bale ito ang pagkakataon na magi-guest sa isang talk show ang former mayor matapos itong makulong ng isang taon at makalaya nitong nakaraang linggo.

Dahil guest si Jinggoy, pumayag din si Phillip Salvador na mag-guest. Si Phillip ay isa sa mga malapit na kaibigan ni Jinggoy at hindi ito bumitaw sa kaibigan noong mga panahong nakakulong ito. Maraming surprise guest na kaibigan ni Jinggoy ang babati sa kanya.

With Kris as host at si Phillip bilang guest, asahan natin na magkakaroon ng matinding eksena sa pagitan nina Kris at Phillip.

Naku, abangan natin ang mainit na pagtatagpo nina Kris at Phillip at ang first appearance ni Jinggoy sa isang talk show.

BOX OFFICE KING CLAUDINE JINGGOY JULIUS KAILANGAN KITA MRS. SAMANIEGO PHILLIP
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with