^

PSN Showbiz

Iniyakan ni Cory ang kanta ni Direk Carlo

-
Umiiyak na lumabas ng ng court room during recess ng shooting ang TV host na si Cory Quirino. Hinabol ko si Cory para alamin kung bakit siya umiiyak?

"Naiiyak ako kasi masyado akong natangay ng aking emosyon habang pinakikinggan ko yung mga lyrics ng awiting ginawa ni Direk Carlo J. Caparas ang "Sisihin Ang Gabi" na inawit ng pamangkin ni Maggie dela Riva na si Ana Rivera. Parang nakuhang lahat ni Carlo sa bawat lyrics ng awitin ang mind & soul ko," sabi niya habang pinupunasan ang kanyang luhaang mata.

Natatawa lamang si Direk Carlo sa naging reaksyong ito ni Cory.

Inalam ko kay Direk kung paano niya naisulat ang nasabing awitin.

"Simple lang, anim na beses kong binasa ang mga librong sinulat ni Cory Q. Inilagay ko ang aking sarili sa kunwari ako ay isa sa mga kidnappers. And that’s it, nabuo ang tema ng awitin. "Sisihin Ang Gabi".

Very proud si Donna Villa na nag-abot sa akin ng mga larawan ng kanilang The Cory Quirino Kidnap Story. Masayang-masaya siyang nagkukwento na magkakaroon ng apat na premiere nights ang pelikulang ito. Gaganapin ito sa Folk Arts Theater. At kung paano ang mga dinanas nilang hirap sa mga shooting sa mga bulubundukin ng Bicol at Quezon. Almost one third na pala ang natatapos nila sa pelikula at todo-todo ang paghahabol nila sa kanilang playdate na March 26.

Ibinibida pa ni Donna Villa na nagtagal ng anim na taon ang pangungumbinsi nito kay Cory na gawin itong pelikula. Inihayag pa ni Donna na tinatarget niyang magkaroon ng cameo role ang mga past presidents na sina FVR at Erap. "Iyon ay kung magwo-work out although may mga negotiations na kami sa kanila," sabi pa ni Donna Villa. – Boni A. Casiano

vuukle comment

ANA RIVERA

BONI A

CORY Q

CORY QUIRINO

CORY QUIRINO KIDNAP STORY

DIREK CARLO

DONNA VILLA

SISIHIN ANG GABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with