^

PSN Showbiz

FPJ dati di sumasabay kay Dolphy sa filmfest, ngayon laban-laban na

- Veronica R. Samio -
Dati nga nag-iiwasan na magkasabay ang kanilang mga pelikula, lalo na sa filmfest sina Fernando Poe, Jr. at Dolphy. Kapag may pelikula ang isa, asahan mo at aatras na ang isa. Pero, hindi ngayong Pasko na sa kauna-unahang pagkakataon ay may head on collision ang kanilang mga movies sa Metro Manila Film Festival Philippines na sa kauna-unahang pagkakataon ay magaganap din sa mga key cities ng Cebu at Davao.

"Kailangan na kasi naming magtulung-tulong para sa ikauunlad ng industriya ng pelikula," anang hari ng aksyon sa presscon ng kanyang pelikulang Ang Alamat ng Lawin.

"Wala nang labanan ngayon, unity ang concern naming mga artista, sana nga pare-pareho kaming mapili. Alam n’yo naman, 10 kaming kasali pero, pito lamang ang mapipili," dagdag pa niya.

Isang pam-pamilyang pelikula ang Ang Alamat ng Lawin na ginagawa ni FPJ. Tungkol sa apat na bata na naka-witness ng isang murder. Sa kanilang pagtakas, napunta sila sa ibang mundo. Dito magsisimula ang makulay na pakikipagsapalaran nila.

Kasama ni FPJ sa pelikula si Ina Raymundo at ang apat na bata na pawang mga bagong artista – Cathy Villar, Khen Kurillo, Ryan Yamazaki at Franklin Cristobal. Napili ang apat sa 500 na tumugon sa kanilang panawagan. Pangunahing criteria ni FPJ ang body language. Sumunod ang dialogue.

Pinakamalaking pelikula ito ni FPJ. Mas malaki ito sa Panday series in terms of production and story values, shooting all over the country and using the most modern equipment.
*****
Muli matatagpuan sa Dekada ‘70 ang powerful tandem nina Vilma Santos, Chito Roño at Lualhati Bautista. Una silang nagkasama-samang tatlo sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? nung 1998.

Like a good writer that she has always been, dinadala ni Lualhati Bautista sa screen ang mga kapani-paniwala at di malilimutang character. Gaya ni Lea Bustamante sa Bata Bata... Ngayon sa Dekada ’70, makikilala natin si Amanda Bartolome, isang maybahay sa isang bahay na puno ng mga lalaki, (ang kanyang asawa at apat na anak) na nagbukas ang isip at natutong mabuhay sa panahon ng Martial Law.

"Di pwedeng hindi si Vilma ang gumanap ng role. Para sa kanya talaga yun," ang sabi niya bagaman at alam niya na inoffer rin ang role kay Nora Aunor.

Sinabi rin ng 3 time Palanca Awardee na hindi isang feminist movie ang Dekada ’70. Kwento ito ng isang pamilya, ang mga naging struggles nila nung Martial Law.

"Nakaukit sa Dekada ’70 yung growth ng isang pamilya, lalo na ng isang babae, habang nagbabago ang taon. Kaya siguro matagumpay ang Dekada ’70, kasi totoong tao lumalabas si Amanda eh," sabi ni Gng. Bautista na umaming di siya masyadong partikular sa award kapag sumusulat para sa pelikula. "Ninenerbyos ako kapag umaakyat ng stage."
*****
Natatawa naman si Direk Chito Roño kapag naaalala na nung sinimulan niya ang paggawa ng Dekada ’70 ay wala pang mga teleserye ang mga artista niya. "Nang malaunan, marami na akong kalaban sa sked nila," sabi niya.

Katulad niya na nag-aaral pa nung panahon ng Martial Law, kaya wala siyang masyadong karanasan dito, marami sa kanyang mga artista ay wala pa ring muwang nung mga panahong ito. Kaya para maramdaman nila ito, nag-undergo sila ng sit-in, symposium at forum. Pagkatapos ay nagkaroon sila ng one-on-one sa mga speakers, mga tao at writers who figured out prominently in the 70’s. "I’m sure that through the movie, the younger generation will feel what it’s like for a family to live during that time," anang direktor na nakagawa na ng mahigit sa 25 pelikula, hindi mga basta pelikula kundi cinematic events na maituturing na landmarks sa evolution ng Philippine Cinema.
*****
Email: [email protected]

vuukle comment

AMANDA BARTOLOME

ANG ALAMAT

BATA

DEKADA

ISANG

LUALHATI BAUTISTA

MARTIAL LAW

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with