TV host, in love sa tomboy
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - August 6, 2002 - 12:00am
Matapos makipaghiwalay sa kanyang asawa ay hindi na na-link pa sa iba ang magandang TV host na ito. Inukol na lang niya ang panahon sa pag-aalaga sa kanyang anak. Pero lately ay nabalitaan namin na may nanliligaw ditong isang mayamang t-bird. Hindi kaya bumigay ang TV host-actress dahil sobrang malambing at mapagmahal ang tomboyita na kilala na rin sa showbiz?

Ilan na rin ang na-link sa t-bird na ito na kinabibilangan ng magagandang artista.
Okey Lang Kay Rica Na Second Choice
Nakakwentuhan ko si Mommy Alice Peralejo (ina ni Rica) at sinabi nito na ang kanyang anak na ang bida ng Hibla na dapat ay para kay Assunta de Rossi. "Okey lang na maging second choice siya basta’t maganda ang project. Na-in love ang aking anak sa ganda ng iskrip at nang mabasa namin ay agad tumawag kay Boss Vic si Rica para sabihin na siya na ang lalabas dito. Na-in love sa karakter ang aking anak at ang direktor nito ay si Yam Laranas na siya ring nagdirek ng Balahibong Pusa na launching movie ni Rica. Pati ang scriptwriter ng Hibla ay si Quark Henares na isang Palanca winner," aniya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Rica na hindi niya kayang gawin ang maiinit na eksena sa Sukdulan kaya tinanggihan niya ito. Napunta ito ngayon kay Angelu de Leon. Hanggang pagpapa-sexy na lang ang aktres na magiging abala ngayon sa rami ng proyekto. Tatlo ang nakalinya at magiging leading men nito sina Bong Revilla, Aga Muhlach at ang isa’y si Bayani Agbayani.
Boyet, Mas Hirap Sa Soap Opera
First time ni Christopher de Leon na gumawa ng soap opera. Nalaman niya na mas mahirap pala ito kaysa sa pelikula dahil linggu-linggo ay kailangan niyang magbasa ng makapal na script para sa tatlong araw na taping. Mas relax siya sa pelikula dahil basta’t alam ang karakter ay magiging magaan ang trabaho samantalang sa soap opera ay kailangan mong makatapos ng 52 sequences. Madali para kay Boyet ang pagmememorya ng dialogue kaya lang, nahihirapan siyang i-memorize ito para sa 5 sequences dahil tuhog ito kung kunan. At dahil tuhog, kailangan dapat ay alam na niya agad ang mga inaarte sa bawat eksena. Mabuti na lang at mahusay sina Direk Joyce Bernal at scriptwriter na si Gina Tagasa ayon pa sa aktor.

Very busy ngayon ang premyadong aktor dahil tuwing Martes, Huwebes at Sabado ang taping niya sa Ang Iibigin ay Ikaw at tuwing Lunes naman at Miyerkules ang nakalaan sa Who Wants To Be A Millionaire. Ang Biyernes ay inuukol niya sa Oasis of Love kung saan siya ang Head Servant ng Community. May time pa rin siya sa pamilya, tuwing Linggo.

May gagawin pang movie sa Viva si Boyet katambal si Regine Velasquez, kaya lang paano pa niya ito magagawa? Pero by September hanggang October ay aalis si Richard Gomez dahil dadalo siya sa Southeast Asian Games sa Pusan, Korea bilang representative ng bansa sa fencing. Magkakaroon sila ng advance taping ng kanilang soap opera at malamang na dito itaon ang shooting ng movie nila ni Regine.
Hitik Sa Katatawanan
Humataw sa takilya ang pelikulang Ants in the Pants na ini-release noon ng Solar Films. Nakatutuwa ang mga karanasan ng tinedyer na si Flo dahil wala siyang kamuwang-muwang tungkol sa sex.

Nagbabalik si Flo sa bagong sequel ng biggest box office sensation sa Germany ang More Ants in the Pants.

Sa bagong istorya, ilang linggo na lang at ga-graduate na si Flo pero napasubo ito sa maraming gulo lalo na nang ma-in love siya sa isang seksi at magandang coed na si Maja. Nasaksihan nito ang mga kapalpakan niya sa pang-aakit sa mga babae sa kanilang eskewelahan. At sa kabila ng gusot ay nakakalusot pa rin si Flo at nagkaroon pa rin sa kanya ng interes si Maja.

Samahan natin si Flo sa kanyang mga nakatutuwang modus operandi kung paano niya naaakit ang mga kababaihan sa campus.

Ang More Ants in the Pants ay mapapanood sa inyong mga paboritong sinehan sa Agosto 21. Tampok sina Tobias Schenke, Axel Atein, Diana Amft at Rebecca Mosselman.
Maureen, Enjoy Sa Mother Role
Walong buwan pa lang ang anak ni Maureen Mauricio pero kailangan niyang magtrabaho. Natutuwa naman ito dahil nabigyan siya ng break ng GMA para mapasama sa soap opera na Ikaw Lang ang Mamahalin. Kapag hindi busy sa taping ay nasa bahay lang siya at nag-aalaga ng anak. Hindi na umaasa si Maureen na maibalik pa ang dating katawan dahil enjoy na siya sa pagganap bilang ina. Mahal niya ang pag-aartista at kailanman ay hindi niya ito kayang talikuran sey pa ng aktres.

Kasama ni Maureen sa ILAM sa bagong timeslot na 8 pm. sina Angelika dela Cruz, Dina Bonnevie, Albert Martinez, Ian Veneracion, Gina Alajar, James Blanco at iba pa sa direksyon nina Soxy Topacio at Khyrss Adalia.

BOYET CENTER DAHIL LANG MAUREEN NIYA RICA SIYA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with