^

PSN Showbiz

Singer na mukhang adik

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
May isang grupong umagaw ng aming pansin nang maging panauhin namin sa Lunchbreak Muna! nu’ng nakaraang Linggo.

Ang totoo ay noon pa namin naririnig sa radyo ang kinanta niyang "Hiya" ang titulo, nanghuhula kami tuwing napapakinggan namin ang kanta, akala nami’y Eraserheads ang kumanta nun, inakala rin naming si Lito Camo, at nu’ng bandang huli ay baka naman nagbabalik na ang Yano, sabi namin.

Pero nang aktwal na naming mapanood ang kumakanta ng "Hiya" ay napahiya talaga kami, walang tumama sa aming hula, dahil ang kumanta pala nu’n ay si Hammilan.

Si Hammilan Pavoreal ay tubong Bicol, ang gaganda ng pangalan nilang magkakapatid, Hammilan, Hallivin at Hanniman.

Ang "Hiya," kaya nagustuhan agad namin nang una pa lang naming mapakinggan sa radyo, ay dahil kakaiba ang kanyang liriko.

Masyadong lait na lait ang paksa ng kanta, parang walang angat na katangian ang personalidad na tinutukoy, kaya sa sobrang hiya ay masyado siyang nakokonsyus at napapayuko na lang.

Maganda ang tiyempo ng kanta, parang pinaghating rock at regae ‘yun, kaya nakaiindak at parang ang sarap-sarap sabayan.

Pero higit sa lahat ay ang atake sa pagkanta ang kakaiba ni Hammilan, dahil bigay na bigay siya sa pagsayaw at pagkislot-kislot, humihiga siya at umaakyat sa mga silya na parang kitikiti.

Lahat ng tao sa studio nu’ng kumakanta si Hammilan ay napahinto sa kanilang mga ginagawa, tagumpay ang singer sa pagkuha ng atensyon ng manonood, at isang hudyat ‘yun na malayo ang mararating ng singer na ito.
* * *
Sa maigsing pakikipag-usap lang kay Hammilan ay nalaman namin na dati na pala siyang miyembro ng banda, nakabase lang sila sa Bicol nu’ng una, hanggang sa humarap na siya sa labanan dito sa lungsod.

Siya ang bokalista ng Wildfire at Squeeze Alley, hanggang sa pumasok na rin sila sa recording sa pamamagitan ng Pinoy rock group na Blah.

Masarap kausap si Hammilan, dama mo agad na hindi lang musika ang laman ng kanyang utak, alam mong kahit saang aspeto bumiyahe ang kwentuhan ninyo ay makatatawid siya.

Ang liriko, tono at pagkakaayos ng kantang "Hiya" ay na kay Hammilan ang kredito, ganun din sa iba pang kantang kasama sa album, tulad ng "Blind Is Love," "Tawasin," "Cellmania," "Fly," "Lapis, Papel, Gitara," "Sa ‘Yo Na Lang," "Mamaya," "I Will Remember" at "Nais Ko."

"May Nakakatuwa Ba Sa Akin?", ang titulo ng album ni Hammilan na mabigyan lang ng magandang pagkakataon sa iba’t ibang programa sa telebisyon para maipakita ang kanyang kakaibang husay sa pagkanta ay tiyak na maipagmamalaki na naman ng mundo ng musika.

Bukod sa may laman na ang utak ni Hammilan, sa unang interbyu pa lang niya sa telebisyon na napanood namin ay angat na ang kanyang kababaang-loob.

Tumataginting ang kanyang pagpapasalamat sa mga taong naging inspirasyon niya sa pagbuo ng kanyang album, lalo na ang mga kababayan niya sa Bicol.

Mukhang adik lang si Hammilan dahil sa kanyang porma at istilo ng pagkanta, pero sumusumpa ang mang-aawit, wala siyang masamang bisyo at ang tanging bisyo lang na nakakapagpaadik sa kanya ay ang pagbuo ng mga kanta.

Itsura lang ang huhusgang adik si Hammilan, pero totoong nakakaadik siyang kausapin at pakinggan, dahil nakakaadik sa ganda ang kanyang mga awitin.

vuukle comment

BICOL

BLIND IS LOVE

HAMMILAN

HAMMILAN PAVOREAL

HIYA

I WILL REMEMBER

KANYANG

LANG

LITO CAMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with