^

PSN Showbiz

Parang bolang palipat-lipat si Cogie sa mga soap ng Siyete!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Marami ang nagulat sa paglipat ng mahusay na aktor na si Richard Gomez sa bakuran ng GMA-7.

Mukhang marami nang artista or talent ng Dos ang tumatalon sa Siyete. Pero sa interview ko kay Richard, sinabi niya na hindi naman dapat bigyan ng intriga o malisya yung ginawa niya dahil gusto lang daw niya ng ibang experience. Kung baga, gusto lang niyang maiba naman ang kanyang paligid.

Hindi naman nagkamali si Goma dahil maganda ang pag welcome sa kanya ng mga Siyete. Kaya wala siyang kaba na magtrabaho dito sa istasyon.
* * *
Si Claudine Barretto at Dingdong Dantes ang napili kong bigyan ng German Moreno Youth Achievement Award sa hanay ng mga kabataang artista sa taong ito. Pero katulad ng inaasahan, hindi dumating si Claudine kagabi sa FAMAS night. Sa halip ay si Carlos Agassi ang tumanggap ng award para sa kanya.

Humingi naman ng paumanhin sa akin si Claudine. Dahil nga sa mga samu’t saring intriga na naglalabasan, minabuti na lang niyang manahimik.

Sana nga ay ipagpatuloy na ni Claudine ang kanyang pananahimik para wala nang mapulot pang isyu na pagpipistahan ang mga manunulat. Para rin matapos na ang gulo sa kanyang buhay at makapagsimula na siya ng kanyang recovery.
* * *
Mukhang marami ang nahilo sa paglipat ni Cogie Domingo sa mga soap ng GMA-7.

Pinatay na ang kanyang karakter sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Pero lalong gumanda ang role niya sa bagong teledrama ng Siyete sa Kung Mawawala Ka.

Mabigat ang casting nito sa pangunguna ng batikang aktor-direktor na si Eddie Garcia kasama sina Hilda Koronel, Gloria Diaz, Princess Punzalan at marami pang iba.

Sana rin ay maging maayos na ang pagta-trabaho ni Cogie at nang matigil na ang mga pintas sa kanya.
* * *
Kung nagagawa kong ipagdiwang ang anibersaryo ng That’s Entertainment kahit wala na ito sa ere sa aking programang Master Showman ay patuloy din ang pag-aalala ko ng GMA Supershow na sana ay magdiriwang din ng kanyang anibersaryo ngayong darating na Mayo. Sana ay makadalo sa aking hatinggabing programa ang mga pioneer host tulad nina Gretchen Barretto, Sharon Cuneta, Jackielou Blanco, Princess Punzalan, Raymond Lauchengco, John Nite at iba pa.

vuukle comment

ANG MAMAHALIN

CARLOS AGASSI

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

COGIE DOMINGO

PERO

PRINCESS PUNZALAN

SANA

SIYETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with