^

Headlines

Kamatayan ni Rico, tinakpan ang gusot nina Aiko/Jomari

RATED A - Aster Amoyo - The Philippine Star

Hindi man kagustuhan ni Claudine Barretto ang maagang pagyao ni Rico Yan, maraming daliri pa rin ang nakaturo sa kanya na siya’y may kinalaman sa pagkamatay ng dating kasintahan dahil dala-dala nito sa Dos Palmas ang lungkot dahil hindi sila nagkasama sa bakasyon na kung tutuusin ay matagal na nilang plinano.

Matatagalan pa marahil para tuluyang maghilom ang sugat sa puso ni Claudine pero kinakailangan niyang magpakatatag at ipagpatuloy ang buhay. After all, kinakailangan niyang masaktan upang lubos niyang maunawaan at madama ang tunay na kaligayahan.

Tahimik at masaya na si Rico sa kanyang kinaroroonan samantalang tayong mga nabubuhay pa ay patuloy na makikibaka sa maraming pagsubok.

Nawala man si Rico, mananatiling buhay ang kanyang mga alaala sa puso at isipan ng mga taong nagmamahal sa kanya at sa kanyang Rico Yan Foundation na kanyang sinimulan nung nabubuhay pa siya at ipagpapatuloy ng mga taong may parehong malasakit sa kanya.

* * *

Dahil sa hindi inaasahang paglisan ni Rico, ang anumang maiinit na intriga na lumutang at pinag-uusapan nung mga panahong buhay pa ang binata ay agad natakpan tulad na lamang ng gusot sa pagitan ng dating mag-asawang Aiko Melendez at Jomari Yllana na kung saan ay nasangkot din ang pangalan ni Ara Mina at isang non-showbiz guy na nagngangalang Phillip Palma.

* * *

Mawawala na pala sa ere ang Kasangga ng action star na si Rudy Fernandez. Pero hindi dapat mabahala ang mga tagasubaybay ng mister ni Lorna Tolentino dahil muli itong magkakaroon ng panibagong programa sa GMA 7, this time isang sitcom na pagtatambalan nila ng original sex goddess na si Rosanna Roces.

Samantala, ano na kaya ang nangyari sa pangakong sitcom ng GMA 7 para sa isa pang kumpare ni Daboy na si Phillip Salvador? Magmula nang mawala sa ere ang programa nitong Verano ay tuluyan nang nawalan ng programa ang dating live-in partner ni Kris Aquino.

Teka, mukha yatang nalilinya sa pagku-comedy ang mga action stars. Di ba’t nagkaroon din ng sarili nilang sitcom sina Robin Padilla (Pwedeng Pwede) at Cesar Montano (Kaya ni Mister, Kaya ni Miss).

* * *

Gusto naming bigyang-daan ang isang e-mail sender namin, si Marge Mansel ng Nueva Ecija. Narito ang kanyang mensahe:

"Can you please update us (your readers) about Carlitos Siguion Reyna’s project for Regal Films titled Ibong Adarna? Who will star in the movie? Kindly suggest Richard Gomez and Alice Dixson or Gretchen Barretto. As for OctoArts’ comeback movie, why not a Richard Gomez-Dawn Zulueta with Laurice Guillen as director?"

Sa iba naming e-mailers, maraming-maraming salamat. Sisikapin namin na ma-publish namin isa-isa ang inyong ipinadadalang mensahe sa amin. Kumusta na rin sa mga readers ng PSN sa Hong Kong.

* * *

Email:[email protected]

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ALICE DIXSON

ARA MINA

CARLITOS SIGUION REYNA

CENTER

RICHARD GOMEZ

RICO

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with