^

PSN Showbiz

Judy Ann/Sharon movie, pinipigilan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Sunod-sunod ang project ni Angelika dela Cruz sa Viva Films. Imagine, hindi pa napapalabas ang Hari ng Selda (Baby Ama 2) with Robin Padilla, heto’t may movie na naman siyang ipo-promote, ang S2pid Luv opposite Andrew E. and Blakdyak, isang comedy romance about the dangers of falling ‘blindly’ in love under the direction of Al Tantay.

"Hindi ko nga alam na susunod agad pala ‘to," said Angelika after the presscon. "Akala ko next month pa ang showing nito," she added.

Six-picture ang contract ni Angelika sa Viva.

Anyway, she confirmed na wala sa career plan niya ang bare sa pelikula. "Hindi po. Sa lovescene namin ni Robin, wala namang nakita. With Andrew, kissing scene lang."

Isang blind si Angelika sa pelikula matapos siyang maaksidente kasama ang boyfriend niya played by Michael Flores. Si Andrew E (George) ang nakakita sa nasabing aksidente at para makilala ang victim, kinuha niya ang wallet at doon niya nakita ang picture ni Angelika (Wendy).

Dahil sa aksidente, nabulag si Wendy kaya nagawang mag-pretend si George na tall, dark and handsome siya. Ipinagdarasal niya rin na ‘wag na lang sanang makakita si Wendy - hindi raw kasi sila bagay kung makikita siya nito.

Nagkaroon ng conflict nang makakita uli si Wendy. Pero hindi niya ‘yun sinabi kay George at nang makita niya in person si George, may kiss mark ito kaya nagalit siya. Naging way din ‘yun para malaman niya na nakakakita na si Wendy.

In the end kaya magkakatuluyan sila? Well, panoorin n’yo na lang ang pelikula.

Tungkol naman sa issue na nilayasan niya ang tatay niya sa Malabon, ayon kay Angelika, "hindi totoo ‘yun. Pinagagawa kasi namin ‘yung bahay namin do’n so hindi puwedeng tirahan. Nasa nanay ko naman ako ngayon. Eh kung naglayas ako, di hindi na ako nakabalik do’n habambuhay," natatawang sabi Angelika.

Nagkaroon kasi ng issue na naglayas siya kamakailan dahil na-in love na raw siya kay Robin Padilla. "Eh di kung ginawa ko ‘yun, hindi na ako pinabalik ng tatay ko," she said.

Six bedroom ang nasabing bahay dahil once na matapos, do’n lahat sila titira. Mommy, dad at tatlong kapatid niya kaya pinalalaki ang bahay.

At any rate, with Andrew E and Angelika in S2pid Luv are Blakdyak and Maui Taylor. Salbakuta, the rap band behind the hit song "S2pid Luv" is also featured in this movie under the direction of Al Tantay and set to kick off on April 10.
*****
Speaking of Andrew, idol siya ng bagong novelty king na si Lukas, Sherwin Lucas in real life. Aside from Andrew, naging influence rin kay Lukas sina Paul Toledo at Michael V.

Actually, sa amateur singing contest sa TV nagsimula si Lukas, sa Bagong Kampeon. Naipanalo niya ang "Kastilyong Buhangin" ni Basil Valdez at part ng prize ang isang course ng voice lesson sa Center for Pop Music Philippines na nagbigay ng chance sa kanya para lalong ma-improve ang kanyang singing talent.

Self-titled ang debut album niya with the carrier single "Namumuro Ka Na" under 8 Records and distributed nationwide ng BMG Records. Nagkaroon ito ng formal launching last week sa Hard Rock Cafe.

May mga nagsasabi na ka-boses niya sina Renz Verano and April Boy Regino. Pero ayon kay Lukas, gusto niyang makilala sa sariling pangalan tulad ng kanyang mga idolo.

At any rate, available na sa lahat ng record bars ang kanyang album.
*****
Confirmed na dini-date ng isang executive ng malaking company ang isang young actress na sikat na sikat ngayon. Ayon sa isang source, mismong close sa actress ang nagkuwento ng tungkol dito. Wala lang daw choice ang young actress dahil mawawalan siya ng trabaho oras na hindi siya pumayag sa gusto ng married na executive ng isang malaking company.
*****
How true kaya ang rumor na tina-try ng Star Cinema na pigilan si Judy Ann Santos na gawin ang Magkapatid with Sharon Cuneta? Kuwento kasi ng isang source, nakipag-meeting ang bigwigs ng Star Cinema sa camp ni Juday para sabihin na naka-ready na ang script ng movie nila ni Fernando Poe Jr. as follow-up sa Isusumbong Kita Sa Tatay Ko at kung puwede raw unahin na lang na gawin ‘yun ni Juday. Pero hindi raw sila pumayag dahil nakapag-commit na sila sa Viva.

Aside from Judy Ann, kinausap din daw ng Star Cinema si Direk Joel Lamangan para sabihin na may natitira pa siyang dalawang project sa kanila na kailangan niyang gawin. Pero hindi rin daw nila na-convince si Lamangan na talikuran ang project niya sa Viva, ito nga ang Magkapatid. Medyo nag-isip daw si Direk Joel dahil kung kelan naman siya may gagawin saka pa sasabihin ng Star Cinema na may gagawin din siya.

Ganito ang nangyari sa kaso ni Lorna Tolentino. Kung kailan naman niya tinanggap ang offer ng GMA 7 na makasama sa isang soap opera, saka naman sasabihin ng ABS-CBN na meron pa siyang existing contract with them noon pang gawin niya ang Star Drama Presents... Lorna Tolentino. Ngayon daw, may gagawin na ring soap opera si Lorna sa ABS-CBN.

Para yatang ang tagal na no’ng contract na ‘yun. Bakit ngayon lang nila bibigyan ng soap si Lorna samantalang ang tagal na walang regular TV appearance ni LT? Bakit kung kelan may offer siya sa GMA saka pa sasabihin na may contract siya. Si Lorna nga limot na may contract pa siya?

Bakit yata consistent ang ABS-CBN sa ganito? Kung kelan may gagawin saka nila sasabihin na may contract pa sa kanila.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

vuukle comment

ANGELIKA

CENTER

ISANG

LUKAS

NIYA

SIYA

STAR CINEMA

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with