^

PSN Showbiz

Huwag naman sanang mag-away sina Juday at Jolens

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Ang tindi ng labanan sa Enero 30, dahil mga pelikula ng dalawang batang aktres ang maglalaban sa takilya.

Ang May Pag-ibig Pa Kaya? na pinagbibidahan ng batang superstar na si Judy Ann Santos at ang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip ng maliit lang, pero parang kabayong pumepekete sa karera, na si Jolina Magdangal.

Hindi man sila ganu’n ka-close ay hindi naman magkaaway sina Juday at Jolens, parehong marespeto sa kapwa ang dalawang dalaga at hindi sila ang tipo ng mga taong magbibitiw ng paninira kahit kanino.

Pero hindi nakaligtas sa panunukso ng kapalaran sina Judy Ann at Jolina, pinagtapat sa takilya ang kanilang mga pelikula at hindi man sila magkaaway na personal, sa linya ng trabaho ay magkakasubukan sila.

Nasa mga balikat ni Judy Ann ang bigat kung tutuusin, dahil kapag nahigitan niya ang pelikula ni Jolina ay simple lang ang magiging komento ng tao, si Judy Ann naman kasi siya.

Pero kapag dinaig ni Jolina ang kanyang pelikula ay parang prusisyon ng komento ang mangyayari, na hindi na siya ang may hawak ng trono at naagaw na ni Jolina, na kinabog siya ni Jolens, at kung anu-ano pang negatibong pagkukumpara.

Walang mawawala kay Jolina sa labanan, kung tutuusin, dahil batang superstar nga ang turing kay Juday at inaasahan na ng mas nakararami na talagang makauungos ito.

Panalo siya sa lahat ng anggulo, dahil sa opinyon nga ng mas marami ay nakauungos naman ang kasikatan sa kanya ni Juday, kaya matalo at manalo ay panalo si Jolina.

Mas nakanenerbiyos ang estado ni Juday bilang batang superstar, kapag nakaungos sa kita ang pelikula ni Jolina ay siya ang puputaktihin ng intriga.
* * *
Hangad namin na sana’y parehong tangkilikin ng publiko ang dalawang pelikula, makaungos man ang isa sa isa, sana ay hindi ‘yun maging malayo sa pagkukumpara.

Sana’y parehong makatulog ng mahimbing sina Juday at Jolina dahil pareho naman silang may maipagmamalaking talento, pareho silang batang aktres na karapat-dapat lang gawing magandang ehemplo sa mga kabataan dahil sa malilinis nilang imahe at pangalan.

Sina Juday at Jolina, dahil lubos na nga namin silang kilala, ay hindi mapagmalaki dahil hindi lang nila sinosolo ang bunga ng kanilang mga pinaghihirapan.

Hindi man puwersadong magtrabaho ay hindi sila nakalilimot tumulong at rumespeto sa kanilang mga magulang.

Oo nga’t sikat na sila at kumikita na ng magandang halaga, ang pagrespeto sa kanilang pamilya ay palaging nandu’n lang, hindi na sila kailangan pang paalalahanan.

Ang mga dahilang nabanggit namin, kakambal na ang kani-kanyang talento, ay sapat nang katwiran para hangarin naming sana’y pareho silang magtagumpay.

Huwag sanang maging dahilan ang pagtatapat ng kanilang mga pelikula para masira ang matagal na nilang magandang samahan.

vuukle comment

DAHIL

JOLENS

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with