^

PSN Showbiz

"Nanood siya minsan ng show ko sa Studio 23 pero break na sila nun"

- Veronica R. Samio -
Natatawa na lamang si Pops Fernandez kapag nadadawit ang pangalan niya ng hindi maganda sa mga kasamahan niya sa showbiz. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung bakit tila hindi maganda ang image na ibinibigay nila sa kanya. Noon, siya ang pinagbintangang umagaw kay Piolo Pascual. Kaya raw galit sa kanya ang girlfriend nitong si Judy Ann Santos. Ngayong nag-break sina Troy Montero at ang girlfriend nitong si Nikki Valdez ay siya na naman ang binibigyan sala. "Dahilan ba sa magkaibigan kami at before nag-on sila ay natsismis pa kami ni Troy na nakikipag-foursome kina Aga at Charlene?" tanong ni Pops during the presscon for her series of concerts na gagawin sa OnStage sa lahat ng Biyernes at Sabado ng Enero 2002.

Ang konsyerto na pinamagatang Weekends With Pops ay produce ng isang bagong tayong kumpanya na may pangalang ArianWorks Management Corporation at pinamumunuan ng ilang kabataang professionals na kinabibilangan nina Noli Eala (Pres. & CEO), Irene Moje (Exec VP), Joey Bautista (Chief Operating Officer),TJ Manotoc (VP), Vonnel Mirandilla (Prod. Mgr.) at Justin Reyes (Marketing Mgr.).

Going back sa isyu kina Pops, Troy at Nikki, sinabi niya na nung mangyari ang split ng dalawa ay wala siyang kamalay-malay. "I was the last one to know. Dahil siguro I was busy working. Nung manood si Troy sa akin, hindi sila magkasama but it has nothing to do with me," dagdag pa ng hanggang ngayon ay tinataguriang "concert queen".

"Maski ang title na ito, hindi na mahalaga sa akin. Ang importante sa kabila ng marami nang nagku-concert, marami pa rin akong tinatanggap na offers, marami pa akong trabaho. I am not out to prove anything, gusto ko lang magtrabaho. I love to work. This is what I want to do."

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sinabi niya na pinipilit niya ang kanyang sarili na lumabas ng bahay, mag-enjoy. "Gusto ko namang maging isang normal na babae. Kaya, kahit na abalang-abala ako, lumalabas ako paminsan-minsan with my friends," ulit niya.

Para sa kanyang Weekends With Pops, magiging kakaiba ito sa mga nagawa na niya in the past sapagkat bawat show ay magkakaroon ng theme ng concept. At sabi ng kanyang mga producer, siya lamang ang makakagawa nito.
* * *
Kung kailan siya nag-asawa ay saka pa nagiging aktibo ang career ng dating prinsesa at isang magaling na singer na si Ayen Munji. Sa mga hindi pa nakakaalam, kailan lamang ikinasal si Ayen kay Franco Laurel.

May isang Christmas CD single si Ayen na inilabas ng Viva Records. Ito ang "Ayen: Miss Kita Kung Christmas". Naglalaman ito ng isang revival song na "Miss Kita Kung Christmas" na orihinal na kinanta ni Susan Fuentes na ginawan ng bagong areglo ni Marc Lopez at ang sarili niyang bersyon ng awiting "Laging Mayroong Bukas" na ginawan ng areglo ni Danny Tan. Kasama rin sa CD ang minus one version ng dalawang nabanggit na awitin.

Pormal na ilulunsad ang CD sa ASAP sa Nob. 18. Mapapanood ang talino ni Ayen na ngayon pa lamang masasaksihan ng local public kasama sina Ariel, Pops, Zsazsa at ang mister niyang si Franco.

vuukle comment

AYEN MUNJI

CHIEF OPERATING OFFICER

DANNY TAN

FRANCO LAUREL

IRENE MOJE

JOEY BAUTISTA

MISS KITA KUNG CHRISTMAS

NIYA

WEEKENDS WITH POPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with