Gabby, nag-front act kay Jolina sa US
() - May 15, 2001 - 12:00am
Nagulat pa si Jolina Magdangal nang malaman na si Gabby Concepcion ang magsisilbing front act niya sa kanyang concert sa Washington at New Jersey. "Ang bait niya at ang guwapo-guwapo pa rin," kwento niya sa ilang mga entertainment writers na inimbita niya for dinner sa kanyang malapalasyong tahanan sa Don Antonio Royale Subdivision sa Fairview.

She goes on to say na ang pagkanta at mga ganitong uri ng pagtatanghal ang pinagkakakitaan ng aktor dun sa US. May sarili itong musical director at live kung kumanta ng hanggang sa anim na awitin every show. "Nung nasa New Jersey kami ay tumulong pa siya sa pagbubuhat ng mga bagahe ko. Ang bait, at walang ka-ere-ere although I am told na sikat siya nung naririto pa siya," dagdag pa ni Jolens na nakatakdang gumawa muli ng pelikula kasa- ma si Leandro Muñoz at ang bagong Close Up boy na si Rafael Rosel sa direksyon ni Wen Deramas.

Bago tumulak ng US ay tumanggap si Jolens ng Princess of Philippine Movies Award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation.

Bukod kay Gabby, isa pang kilalang personalidad na nakasama ni Jolina sa kanyang US concert ay si David Pomeranz sa Performing Arts Center sa Illinois. Marami rin ang nanood sa George Washington University Lisner auditorium sa Washinton DC, Union County Arts Center sa New York, San Francisco Palace of Fine Arts, malapit sa Golden Gate Bridge.

Bilang bahagi ng kanyang bakasyon, gumawa siya ng tour sa Las Vegas, Hollywood at Universal Studios sa LA at Disneyland.

"Pinaka-okay naming bakasyon yung sa Las Vegas. Alas Kwatro na ng umaga, gising pa rin kami buong pamilya," pagmamalaki niya.

Nagawa rin ni Jolina na makapag-taping siya ng dalawang episode para sa kanyang palabas na Arriba! Arriba! dun mismo sa states. "Kaya lang maliit na camera ang ginamit namin dahil bawal mag-shoot dun," imporma niya
*****
May show na naman si Candy Pangilinan, isa sa kilalang stand up comedianne ng bansa, sa Mayo 23 sa Phenomena, Timog QC na pinamagatang I Can Did Again sa direksyon ni Andrew de Real.

Itatampok si Candy sa iba’t ibang klase ng pagganap–mula sa ordinaryong Pinoy hanggang sa pamosong karakter sa sosyedad. Bukod sa kanyang impersonations, matutunghayan din ang talino ni Candy sa pagsasayaw at pagkanta.

Para lalong maging riot ang show, makikikulit sina Manilyn Reynes, Philip Lazaro at Vivorah. Producer sina Mikee, Beck Beck Soriano at Mel Martinez ng MS Productions.

P400 ang halaga ng tiket. Para sa ibang detalye, tumawag sa 09178316218 at 091963 34426.
*****
May pelikula si Maricar de Mesa na nakatakdang ipalabas. Ito ang Onsehan na kung saan ay makakatambal niya ang magaling na aktor na si Carlos Morales. Nasa direksyon ito ng isa kong kapatid sa hanapbuhay at isa ring entertainment editor na si Eugene Asis.

Sana magbukas ito ng marami pang pagkakataon kina Eugene bilang direktor at Maricar bilang isang aktres.

Hangang ngayon ay nangangarap pa rin makapag-host sa TV ni Maricar. She admits sa TV siya nakakuha ng malaking exposure.
*****
Tahimik naman ang naging eleksyon sa aking lugar sa Project 3. Maaga ring natapos ang botohan. Nung pumunta ako ng polling place matapos ang tanghalian ay parang kakaunti na lamang ang bumuboto. Maagang bumoto ang tao. Pakiramdam ko nga mas marami pa ang nagbibigay ng mga polyetos sa mga kalye na daraanan mo on your way to the polling place kaysa yung mga aktuwal na bumuboto.

By this time, nababanaagan na natin ang mga nangungunang kandidato. Sana nga hindi tayo nagkamali sa mga taong inihalal natin.

Napansin ko lamang na masyadong involved ang mga kabataan ngayon. Hindi lang sa eleksyon kundi maging sa maraming bagay.

Mabuti naman pero, sana malaman nila at tanggaping hindi nila mapatatakbong silang mga kabataan lamang ang maraming bagay sa mundo. They still need the wisdom and experience of their parents, their elders, at maging ng kapwa nila kabataan. Marami sa kanila ang masyadong mapusok at ito ang nagiging malaking kamalian nila. In any case, maaaring nasa kanila ang pag-asa ng bayan, pero, kailangan pa rin nilang kumonsulta sa mga matatanda. The sooner they realize this, the better.

ALAS KWATRO BECK BECK SORIANO CENTER LAS VEGAS MARICAR NEW JERSEY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with