^

PSN Showbiz

Kasong isinampa ni LA sa Bubble Gang, ibinasura ng korte

-
Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s office ang kasong isinampa ni LA Lopez laban sa mga tao sa likod ng popular na gag show ng GMA7, ang Bubble Gang. Nagsampa ng kaso si Lopez laban sa naturang programa dahil sa episode na umere noong ika-19 ng Oktubre ng nakaraang taon kung saan may "character spoof" ng isang character na may pangalang Ala Ey Lopez.

Ayon kay Lopez, siya ay umiyak at lubhang naapektuhan pagkatapos niyang mapanood ang nasabing episode.

Ayon sa City Prosecutor’s Office kailangang mapatunayan na ang nasabing segment ay may malisya at masamang layuning siraan ang dating child star. Sa desisyon, naniniwala ang prosecutor na ito ay ginawa "in humor" at walang layuning siraan ang dating child star. Dahil wala namang "abusive" at "libelous" words na ginamit sa nasabing segment, ito ay protektado alinsunod sa freedom of speech and expression.

Ang resolution na nagbabasura sa kaso ay ibinaba noong ika-29 ng Hulyo ng taong ito, ay pinirmahan nina 2nd Assistant Prosecutors Lorna F. V. Catris-Chua Cheng at Josephine Fernandez at inaprubahan ni City Prosecutor Claro A. Arellano.

vuukle comment

ALA EY LOPEZ

ASSISTANT PROSECUTORS

AYON

BUBBLE GANG

CATRIS-CHUA CHENG

CITY PROSECUTOR

CLARO A

JOSEPHINE FERNANDEZ

LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with