^

PSN Palaro

Pacquiao -Mayweather 2 sa 2019 na—Espinoza

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao -Mayweather 2 sa 2019 na�Espinoza
Ito ang pahayag ni Showtime executive Stephen Espinoza sa isang panayam ng TMZ Sports kahapon.
ESPN

MANILA, Philippines — Sa susunod na taon na inaasahang mangyayari ang inaabangang rematch nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at American boxing great Floyd Mayweather Jr.

Ito ang pahayag ni Showtime executive Stephen Espinoza sa isang panayam ng TMZ Sports kahapon.

“Having spoken to Floyd, I know he's deadly serious about it. He's very, very serious about wanting the fight,” paniniyak ni Espinoza sa pagplantsa ng Pacquiao-Mayweather II.

Nagkita sina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Mayweather (50-0, 27 KOs) sa isang music festival sa Tokyo, Japan noong nakaraang buwan kung saan napag-usapan nila ang rematch.

Ngunit bago ito mangyari ay gusto muna ng 41-anyos na si Mayweather na sumabak sa isang tune-up fight sa Disyembre sa Tokyo.

Hanggang kahapon ay wala pang mga opisyal na pahayag sina Pacquiao at Mayweather kaugnay sa estado ng kanilang negosasyon.

Tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo ng 2015 kung saan nagtala ito ng record na 4.6 million pay-per-view buys at higit sa $600 milyong kita.

Nagmula ang 39-anyos na si Pacquiao sa isang seventh-round TKO victory laban kay Lucas Matthysse para agawin sa Argentine ang suot nitong WBA welterweight crown noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Huli namang nakita sa aksyon si Mayweather noong Agosto ng nakaraang taon kung saan tinalo niya si UFC superstar Conor McGregor sa pamamagitan ng tenth-round TKO win sa Las Vegas, Nevada.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with