^

PSN Palaro

Pacman dedma sa patutsada ni Floyd

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Pacman dedma sa patutsada ni Floyd
Sina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao matapos ang kanilang laban noong May 2015.
File Photo

MANILA, Philippines — Kumislap ang mga mata ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa pag-iisip sa kanilang pinaplantsang rematch ni Floyd Mayweather Jr.

Nauna nang sinabi ni Mayweather na madali niyang tatalunin si Pacquiao kagaya ng kanyang unanimous decision win sa kanilang super fight noong Mayo ng 2015.

“Easy fight, huh?” sabi ni Pacquiao matapos ma­kipag­laro ng chess sa kanyang mga kaibigan sa isang rented mansion sa Dasmariñas Village sa Makati City. “Tingnan natin kung hindi pa niya ma-occupy lahat ng sulok ng ring.”

Kinumpirma rin ni Pacquiao ang susunod niyang laban sa United States sa kabila ng kanyang tax issues.

“Kahit hindi si Floyd, sa US ang laban. Matagal na ako hindi nakapunta sa US eh,” ani Pacquiao na huling lumaban sa US noong Nobyembre ng 2016 laban kay American Jessie Vargas.

Gusto ni Pacquiao na muling lumaban sa Dis­yembre 8, ngunit sinabing maaari itong maurong sa Enero 2019, lalo na kung kontra kay Mayweather.

“Kaya naman,” wika ni Pacquiao, sasabak sa isang light training sa pagtatapos ng buwan at hindi na mangangailangan ng isang tune-up fight bago harapin si Mayweather.

“Bakit pa? Eh, kakalaban ko lang nung July,” ani Pacquiao, nagmula sa isang seventh-round TKO win kay Lucas Matthysse.

Sinabi rin ni Maywea­ther na hindi niya kailangan ng tune-up fight bagama’t huli niyang nilabanan si Conor McGregor noong Agosto ng 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with