^

Punto Mo

PNP, hihigpitan ang seguridad ng BSKE! —Acorda

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Mahigpit na seguridad ang ilalatag ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30. Ayon kay Acorda, ipapatupad ng PNP ang lahat ng kaukulang batas na nasa ilalim ng Omnibus Election Code at mga resolutions na ipinasa ng Commission on Elections (Comelec).

Magsisimula ang BSKE 90-day election period, ayon sa Comelec Resolution No. 10902, sa pagsampa ng Certificate ng Candidacy ng mga tatakbo sa halalan sa Agosto 28. Eh di wow! Hayan mga kosa, tandaang maigi ang mga petsa sa itaas para hindi mapurnada ang ambisyon n’yong tumakbo sa BSKE elections. Mismooooo!

Nilinaw ni Acorda na ang mga ipinagbawal ng Comelec tuwing elections ay ang pagdadala o pagbiyahe ng mga baril at iba pang matatawag na deadly weapons sa kalye o public places tulad ng mga buildings, park, private vehicle at public conveyance. Puwede lang kapag authorized ito ng Comelec. Bawal din ang mga kandidato na mag-hire ng security personnel.

O hayan! Kumpleto-rekado na ang bawal, ayon sa PNP, kaya dapat sundin ng mga kandidato ang mga alituntunin na ito para maiwasan ang aberya. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nais ni Acorda na magiging matahimik ang BSKE sa kanyang liderato kaya mahigpit niyang iniutos ang kampanya laban sa private armed groups (PAGs) at loose firearms sa buong Pinas bago pa ang halalan. Ayon sa report ng PNP, may 48 PAGs sa anim na regions ng bansa kaya minabuti ni Acorda na lansagin na sila bago pa mag-Oktubre.

Sa kanyang press briefing noong Lunes, iginiit ni Acorda na ang ina-adjust ng PNP ang kani-kanilang programa o estrahiya para sa kasiguraduhan ng peaceful at orderly elections sa 42,000 barangays sa Pinas. Mismooooo! May punto si Acorda, ‘no mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

May tatlong aktibong PAGs sa bansa, may 45 pang potential na PAGs kung saan ang miyembro ng mga ito ay aabot sa 200 at may isyu na 400 sari-saring armas. Kapag kumilos ang mga ito para impluwensiyahan ang BSKE elections, abayyyyy tiyak mananalo ang mga kandidato na susuportahan nila, lalo na yung sangkot sa mga illegal na gawain at droga. Mismooooo! Kaya tama lang ang aksiyon ni Acorda na pigilan ang balak nilang maghasik ng lagim sa Oktubre. Dipugaaaaa!

Kung sabagay, hindi lang PAGs at loose firearms ang pinupuntirya ni Acorda kundi maging ang New People’s Army (NPA), ang military arm ng Communist Party of the Philippines (CPP). Base sa historical data, ang mga NPA ay umaakto ring goons ng mga pulitiko tuwing elections, di ba mga kosa? Tumpak!

Sa totoo lang, nitong Enero 1 pa nagsimula ang PNP sa kanilang kampanya laban sa PAGs at loose firearms at sa katunayan, 200 criminal gangs na may 897 miyembro ang nalansag na ng kapulisan, ayon kay Acorda.Umabot sa 10 gang members ang namatay sa engkuwentro at 690 naman ang naaresto. May 84 gang members ang sumuko at 124 na samu’t saring baril ang nakumpiska. Umabot din sa 7,032 na mga baril ang na-turnover sa PNP for safekeeping. Mabuhay ang PNP! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Umaarangkada rin ang kampanya ng PNP laban sa wanted persons bilang kasama sa security strategy ng 2023 BSKE, ani Acorda. May nakalimutan pa ba si Acorda sa security preparations niya sa BSKE, mga kosa? Abangan!

vuukle comment

BARANGAY

ELECTION

PNP

SK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with