^

Punto Mo

Tulungan pero turuan ding kumilos at magsikap

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami sa mga naghihintay sa sisimulang ‘food stamp program’ ang mistulang nalungkot dahil sa naging pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Talaga nga namang matapos malaman ang panibagong programa ng pamahalaan na ‘food stamp’, eh nagsimula nang alamin ng marami kung paano sila makakasali dito.

Take note pa ha, talagang kung sino ang may tinatanggap nang ayuda sa gobyerno, sila talaga ngayon ang interesado na muling makasama sa ayuda.

Aba’ eh malaki-laki nga naman ito food credit na nagkakahalaga ng P3,000 ang halaga ng pagkaing maipagkakaloob kada buwan.

Tiba-tiba ika nga sangkaterba na ang matatanggap na ayuda, kahit wala nang paggawa.

Ayun, nalungkot ang mga tinaguriang ‘tamad’ na hindi na talaga nagsisikap dahil nga kinakalinga na sila sa pamamagitan ng ayuda ng gobyerno.

Dyan sila nagkakamali, dahil nilinaw ng DSWD sa pamamagitan ni Undersecretary Edu Punay na may kondisyon para maging benepisyaryo sa naturang programa.

Hindi nga naman pwedeng idahilan na sila ay mahirap at walang pinagkukunan ng kabuhayan.

Sa programang ‘food stamp’, hihingan ang benepisyaryo bilang requirements ang pagsusumite ng sertipikasyon na naghahanap sila ng trabaho sa pamamagitan ng TESDA at DOLE.

Talaga nga namang dapat nang matuldukan ang ‘culture of dependency’ ng mga Pinoy, komo may natatanggap ng tulong sa gobyerno.

Hindi naman sa nilalahat natin, lalu na ang mga nakakatanggap ng regular na ayuda, pero talagang may ilan o marami-rami ang umaasa na lang sa ayuda.

Hindi na nakikitaan ng pagsisikap para maiangat ang buhay at hindi na umasa. Baka mas lalo silang nagiging tamad kapag may inaasahang regular na tulong.

Kaya nga hindi na maalis sa status na nasa mahirap na kalagayan.

Dapat ngang turuan ang mga ito na kumilos sa kanilang sarili at huwag magkasya sa ibinibigay ng gobyerno.

Parang sila na lang ang dapat asikasuhin, at kapag walang makuha, sisisihin ang pamahalaan.

Gala-galaw o kilos-kilos kapag may time, para hindi laging umasa sa ayuda na lamang.

Mas masarap tulungan yung nakikitang nagsisikap kaysa sa mga naghihintay lang.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with