^

Punto Mo

Ang kawawang kabayo ng magsasaka

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG umagang nakasakay ang magsasaka sa kanyang kabayo habang binabaybay ang gilid ng highway, isang rumaragasang truck mula sa likuran ang bumundol sa mag-amo. Sa lakas ng impact, tumilapon ang kabayo at magsasaka sa kakahuyan na nasa  tabi ng highway. Ang drayber ay nawalan ng malay dahil ang ulo nito ay nabagok matapos tumagilid ang sasakyan. Ang magsasaka ay isang buwang naospital dahil malala ang kanyang injuries sa katawan. Pagkalabas sa ospital ay idinemanda niya ang trucking company. Nasugatan na siya, namatay pa ang kabayo niya.

Sa korte, tinatanong ng abogado ng trucking company ang magsasaka, “Sinabi mo ba na: Okey lang ako, walang problema sir, nang tanungin ka ng Highway Patrolman kung ano ang nararamdaman mo?”

“Ganito kasi, habang naglalakbay kami ng aking kabayo sa highway…”

“Oo o Hindi lang ang dapat mong isagot Ginoo sa aking katanungan. Kagalang-galang na hukom, kailangan lang niyang sagutin kung totoong nagbitaw siya ng salitang OKEY LANG AKO, para mapatunayan  na walang nangyaring masama sa kanya noong nangyari ang aksidente. Kung wala nga, ang kabayo lang niyang namatay ang magiging pananagutan ng aking kliyente.”

Naging interesado ang hukom sa nais sabihin ng magsasaka kaya nagpasya itong ituloy ng magsasaka ang naudlot na pagkukuwento:

“Ganito nga po kagalang-galang na hukom ang nangyari, pagkabangga sa aming mag-amo ng truck, kami’y bumulagta sa kakahuyan sa gilid ng highway. Hindi ko maigalaw ang ­aking katawan sa sobrang sakit ng aking gulugod at leeg. Ang akin pong kabayo ay tumalsik sa ­aking bandang kanan na hindi ko alam kung gaano kalayo sa akin. Basta’t ungol lang nito at hingasing ang aking naririnig. Sa aking pakiramdam ay masama rin ang naging kalagayan nito kagaya ko.

“Bigla pong may dumating na Highway Patrolman. Una niyang nilapitan ang aking kabayo at tila kinausap nito ang aking mahal na alaga. Masama na ang lagay ng kabayong ito, bali-bali ang katawan, wala nang pag-asa pang mabuhay. Kailangan kong gawin ito para hindi ka na maghirap.

“Tapos narinig ko na lang na binaril niya ito. Maya-maya ay ako naman ang pinuntahan ng Patrolman at tinanong: O, ano ang nararamdaman mo? Siyempre kahit nagkakandapilipit na ako sa sakit, nagsinungaling ako at ang isinagot ko ay okey lang. Paano, kung ako naman ang barilin para tapusin na ang aking paghihirap. Gusto ko pa pong mabuhay, your honor.”

vuukle comment

FARMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with