^

Punto Mo

‘Laglag-barya’, laglag sa pulisya

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MATAGAL na panahon na kung saan marami  na rin ang nabiktima ng isang grupong ito ng tinaguriang ‘Laglag-barya’ gang na ngayon nga ay nasasangkot na rin sa bentahan ng  ilegal na droga.

Nasabat ito ng pulisya sa isinagawang drug-bust sa Quiapo, Maynila.

Binubuo ang grupo ng dalawang lalaki at tatlong babae na ayon nga sa pulisya, eh nagpa­palipat-lipat ng lugar kung saan nila isinasagawa ang kanilang modus operandi.

Sa kaso pa nga ng ilegal na droga nadakip ang mga ito na kalaunan  nakumpirma na isa sila sa kilabot na grupo ng ‘Laglag-Barya’.

Sa maraming pagkakataon nakukunan pa ng CCTV ang ilegal na aktibidades ng grupo pero talaga raw may pagka-palos dahil pagtumira sa isang lugar, lalayo na naman nang kanilang pagsasagawaan ng modus.

Nung umiinit na nag-iba ng operasyon ang mga ito na sumangkot sa droga.

May panawagan ang pulisya sa mga naging biktima ng grupo na pagtiyagaan na matutukan at masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso nang hindi na uli mamayagpag na naman sa kanilang modus at marami pa ang pahirapan.

Kung sabagay, kadalasan kaya hindi nadadala ang mga kawatan, ay dahil na rin sa kawalan naman ng interes ng mga biktima na ipakalaboso ang mga ito.

Hindi lang sa modus na ito, kundi maging sa iba pang modus ng grupo ng mga kawatan.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with