COA, binubusisi ang dokumento ng SRI! — Abalos

NAGKAKALINAW na sa wakas ang reklamo ng 227,604 kapulisan patungkol sa kanilang nawawalang bilyones na pondo sa Service Recognition Incentives (SRI) sa taong 2022. Pinabusisi na kasi ni Interior Secretary Benhur Abalos sa Commission on Audit (COA) ang mga dokumento sa pag-release ng SRI ng kapulisan. Tinitiyak ni Abalos na makikita ng COA kung may anomalyang nangyari sa pag-release ng tinatawag ng kapulisan na MKK=4K na pondo. Ayon kay Abalos, baka sa darating na buwan ay mailabas na ng COA ang kanilang findings. Eh di wow! Konting tiis na lang mga kosa kong pulis at lalabas at lalabas na ang katotohanan sa isyu. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Tinugunan naman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang hakbangin ni Abalos sabay sabing ang COA report ay makapagbibigay liwanag kung may anomalya sa pag-release ng SRI.”We take this issue seriously, and we are committed to addressing it thoroughly,” ani Acorda. “We are committed to ensuring transparency and accountability in the handling of funds. We eagerly await the COA report, which will provide clarity on this issue,” ani Acorda. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Naging hot topic ang SRI nitong nagdaang mga araw sa Camp Crame at iba pang headquarters ng mga pulis dahil sa paniwala ng kapulisan na nadugas ang minimithi nilang pitsa na premyo sa kanila ni President Bongbong Marcos. Paano kasi P4,000 lang ang natanggap ng mga pulis samantalang ang taga AFP, BJMP at BFP ay tig P17,000. Naging ugat ng demoralization tuloy ang SRI sa hanay ng kapulisan at mabuti’t maagap na umaksiyon sina Abalos at Acorda, di ba mga kosa? Mismooooo!

Uupuan din ni Acorda ang kanyang Command Group ang mga hepe ng opisina ng PNP, tulad ng Directorate for Comptrllership, Directorate for Personnel and Records Management, Finance Service at Fiscal, para magkaliwanagan sa SRI. Silipin din dapat ni Acorda ang disbursement ng MOOE at Capital Outlay para makita kung may katiwalian o overpricing sa mga binili at binayaran ng PNP. Ikumpara din ang gastusin ng 2001 at 2002 para makita kung saan nagastos ang pondo na naging dahilan sa pagbaba ng savings ng PNP sa 2022.

Hehehe! The truth shall prevail talaga eh, no mga kosa?

Ipinasilip din ng mga kosa ko ang Capital Outlay para malaman kung may mga “ghost projects,” “realingmnets of funds,” o may gastusin na hindi kasama sa GAA 2022. Ang ipinagtaka pa ng mga kosa ko ay bakit binuwisan pa ang P7,000 eh sa paglabas pa lang ng DBM ng PS eh bawas na ito ng tax, na kung tawagin ay withholding tax. Hmmmmm! Kung binawasan ng P3,000 ang kanilang SRI, nasaan ang pera? ‘Yan ang dagdag na tanong ng kapulisan. Mismooooo!

Habang iniimbestigahan naman itong SRI, dapat sigurong i-relieve ni Acorda ang mga hepe ng opisinang sangkot dito para iwasan ang suspetsang “whitewash” sa kaso. Tsk tsk tsk! Puwede naman silang ibalik kung walang makitang anomalya sa SRI. Tumpak! Abangan!

Show comments