50 habits na magpapahaba ng buhay (Last part)

BASE sa pag-aaral ng mga siyentipiko, ang mga sumusunod na kadahilanan ay malaking tulong upang madagdagan ang ilalagi mo rito sa mundo:

38. Mag-anak. Isang pag-aaral na ginawa sa Sweden ang nagpatunay na ang lalaki at babaeng may anak ay mas mahaba ang buhay kaysa walang anak.

39. Tumulong sa pag-aalaga ng mga apo. Sa isang pag-aaral na ginawa sa Australia, ang mga 70 years old na mga lolo at lola na nakaranas mag-alaga ng apo ay mas humaba ang buhay ng 10 taon o higit pa kumpara sa mga grandparents na hindi nakaranas mag-alaga ng apo. Nakakasaya ng pakiramdam ang ideya na napapakinabangan pa rin sila sa pag-aalaga ng mga bata. Bukod dito, nakakabata ng puso ang may kapiling na mga bata.

40.  Regular na magpa-check-up sa doktor. ‘Yan pa namang cancer, saka nagpaparamdam kung kailan nasa last stage na.

41. Kung posible, tumira sa lugar na lagi kang mae-expose sa nature—maraming puno at malayo sa polusyon.

42. Panatilihin ang tamang timbang at korte ng katawan.

43. Kumain ng mayaman sa calcium: cheese, milk, dairy products. Dark leafy greens, green beans, at broccoli.

44. Kumain ng dark chocolate.

45. Meditate.

46. Kumanta

47. Kumunekta sa social media.

48. Tumawa

49. Mag-alaga ng halaman

50. Bigyan ng tsansa ang sarili na mapag-isa paminsan-minsan.

Show comments