^

Punto Mo

Alarming yan kung higit 400 brgy. officials, ang dawit sa droga  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagbigay na ng bilang ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) patungkol sa mga barangay officials na kanilang binabantayan dahil sa ilegal na droga.

Umaabot sa 430 ang mga opisyal sa barangay ang tinututukan­, bagamat ayon sa PNP iba-iba ang partisipasyon at bigat nang pagkakasangkot ng mga ito sa ipinagbabawal na gamot.

Merong protektor, merong ‘tulak’, merong financier at marahil meron din dyang gumagamit.

O ‘di ba, yan ang nakakatakot, biruin mong nakaupong opisyal sa inyong barangay eh isa sa mga ito.

Hindi nga ba’t nakakaalarma ang ganyan, paano mo pagkakatiwalaan ang ganyang opisyal.

Sa hawak na intelligence report ng PNP, pinakamarami sa naturang bilang ay buhat sa Region 6 at sa National Capital Region (NCR). Ilan ay itinuturing na high value individual, habang nasa district level naman ang ilan.

Aba’y kung ganyan  din lang, sana kung talagang may matibay na ebidensya na sampahan na agad ng kaso para matukoy ang mga ito bago pa man ang Brgy. at Sanggunang Kabataan elections sa Oktubre.

Ang siste dyan , baka ang kasama sa listahan eh nagbabalak na tumakbo sa halalan, kawawa ang nasasakupan nito sakaling manalo.

Bago sana maghalalan makilala ito ng mga botante, para hindi na iboto at mailuklok.

 Kahapon nanawagan na rin ang DILG , sa mga tatakbo sa nalalapit na eleksyon na magpa-drug test para ipakita na handa silang magsilbi nang tapat sa bayan.

Nauna nang nagpahaag ng ganitong panawagan ang PNP.

Dapat marahil na magkusa na ang mga ito na ‘pogi points’ pa  sa kanilang mga nasasakupan . Malinaw wala silang itinatago at malinis sila sa paggamit sa ilegal na droga.

Kung tinututukan na ng PNP ang ilang brgy. officials, dapat hindi lang dyan matapos.

Sampahan ng kaso kung matibay din lang ang ebidensiya at  sa ganitong paraan nabibigyan na rin nila ng babala ang constituents nito para magdalawang isip at hindi ito iboto sakaling tumakbo.

Kaya nga pala  kahit ano ang gawin, tila  hindi malinis ang marami pang barangay sa ilegal na droga dahil sa nga sa mga pasaway na opisyal na nakikipagsabwatan sa sindikato para lamang sa kanilang pansariling interes.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with