^

Punto Mo

Maaasahan pa ba ang PNP?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KOMEDYA at kahihiyan ang ina­bot ng mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) na iniimbestigahan sa dala­wang nakaririmarim na krimen sa loob lamang ng isang taon. Nataon pa na sa PBBM-Sara administration nangyari. Nakakahiya di ba?

Naging malaking balita ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo na agarang iniugnay dito ang magkapatid na Rep. Arnulfo Teves at former Gov. Pryde Teves bilang masterminds.

Apat na aktibong miyembro ng PNP ang naunang nahuli at umamin na sila ang nagmasaker kay Degamo at walong sibilyan. May isang bumaliktad daw ngayon at sinasabing ginulpi­ raw siya kaya napilitang umamin. Naku! Ha?

Sinundan ito ng nakaririmarim na usapin sa nakumpis­kang 990 kilos na shabu sa bodega na pag-aari ni MSgt. Rodolfo Mayo. Ang superior ni Mayo ay si Lt. Col. Arnulfo Ibañez. Ninakawan pa ito ng 42 kilos ng mismong mga pulis na kalaunan ay ibinalik nang mabisto.

Nadiskubre ng Kongreso at Senado ang ginawang “cover-up” nina Brig. Gen. Narciso Domingo, Col. Julian Olonan at Capt. Jonathan Sosongco ayon sa kopya ng investigation reports na napasakamay nina Cong. Romeo Acop at Sen. Ronald dela Rosa na parehong naging batikang opisyal ng PNP. Papaano na ‘yan ngayon mga hijo?

Marami nang PNP personnel na kasama sa operasyon ang na-contempt at nakakulong ngayon sa Kongreso at Senado dahil­ sa pagsisinungaling. Kasabihan na kapatid ng sinungaling ang magnanakaw di ba?

Sino pa ngayon ang sasandalan natin na magbibigay proteksyon laban sa kasamaan?

Sana naman mas marami pa ang natitirang PNP personnel na may mabubuti pang kaisipan. Harinawaaa!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with