^

Punto Mo

Nagbabaliktaran na!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

TATLO pang kinokonsiderang witness-suspect sa Degamo slay ang binawi na rin sa kanilang naunang salaysay.

Sa kabuuan apat na ang nagre-recant sa kanilang mga naunang pahayag.

Bukod sa apat, mukhang may inaasahan pang babaligtad din sa mga susunod na araw.

Iisa ang alegasyon ng mga ito, tinakot at tinorture umano sila kaya napilit sa naunang affidavit na nagdidiin kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Hindi pa man, inaasahan na ito ng Department of Justice (DOJ).

Nauna nang inihayag ni Secretary Jesus Crispin Remulla nalaman na nila ang pagbagligtad ng ilan sa mga suspect –witness matapos nga na hawakan ang mga ito ng mga pribadong abogado at huminto nang makipag-cooperate sa kanila sa imbestigasyon.

Mayo 17 o dalawang buwan matapos ang naganap na pagpaslang kay Gov. Roel Degamo nang iharap ang multiple murder laban kay Teves at iba pang suspect.

Ang tanong nga rito, ano ang magiging epekto ng recantation ng mga witness-suspect sa kaso.

Ayon naman sa prosekusyon, matibay pa rin ang mga ebidensya maipiprisinta sa kaso.

Ngayong nagbabaliktaran na nga ang mga dating nagtuturo kay Teves, ang tanong naman dito, uuwi na ba ang mambabatas para harapin ang inaakusa sa kanya?

Lalo pa nga at nagtapos na ang ipinataw sa kanyang suspensyon ng Kamara. Ibig lang sabihin dapat nang harapin ni Teves ang trabaho nito, na iyan ang inaasahan ng mga bumoto sa kanya.

Pero mukhang malabo at wala pang balak na umuwi si Teves, base na rin sa pahayag ng abogado nito.

Inaabangan ang posibleng bagong pag-aksyon ng pamunuan ng Kamara laban sa kanilang kasamahang kongresista.

Mukhang sasalang muli ito sa pagdinig ng ethics committee at kung ano ang magiging pasya dyan, eh ‘yan ang ating aantabayanan.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with