^

Punto Mo

Hiwaga ng missing SRI funds, tutuklasin ni Acorda!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PUPULUNGIN ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang kanyang Command Group para tuklasin ang hiwaga ng bilyones na missing Service Recognition Incentive (SRI) ng 227,604 kapulisan sa taong 2022. Ayon kay Acorda, panay coordinate n’ya kay Interior Secretary Benhur Abalos patungkol sa imbestigasyon sa inireklamo ng kapulisan na nawawalang pondo. Matumbok kaya ni Acorda kung sinu-sino ang nasa likod nitong bilyones na pabaon....este katiwalian? Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan, di ba mga kosa?

Sa ambush interview nitong Lunes, tinanong si Acorda kung tumalima s’ya sa kautusan ni Abalos na imbestigahan ang reklamo ng mga pulis patungkol sa kanilang SRI. Ang kasagutan ni Acorda ay malaking YES! “Yeah, we are constantly coordinating with the SILG. Tinitingnan natin ito kasi kung may reklamo, kumbaga may mga dapat tingnan ay imbestigahan natin,” ani Acorda. Eh di wow!

Kaya naman nagwawala ang mga pulis mga kosa dahil ang ibang ahensiya ng gobyerno, tulad ng AFP, BJMP at BFP, ang natanggap nilang SRI ay P17,000 minus tax subalit ang PNP ay P4,000 lamang less tax din. Samantalang ang kautusan ni President Bongbong Marcos ay dapat P20,000 ito at alam na ng mga ahensiya kung saan kukunin ang pondo. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kasama ang kanyang Command Group, sinabi ni Acorda na nais niyang makaharap ang lahat ng opisina na maaring may kinalaman sa pondo ng SRI para personal na mapakinggan ang kani-kanilang panig. Kapag Command Group mga kosa, ang tinutukoy ni Acorda ay sina Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang Deputy Chief for Administration; Maj. Gen. Michael John Dubria, ang Deputy Chief for Operation, at Maj. Gen. Diosdado Peralta, ang The Deputy Chief of Staff. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Iimbitahan din ni Acorda ang ilang opisina sa ilalim ni Abalos para first hand na mapakinggan nila kung ano ang explanation kung bakit nagkawindang-windang ang SRI ng kapulisan. “We might be inviting also from the other officers ng DILG to see to it and hear together kung ano po ‘yung explanation na ito. And from there, we can see kung ano ang next move natin,” ani Acorda. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi binanggit ni Acorda ang mga opisina na iimbitahan n’ya. Subalit itinuturo ng mga kosa ko ang Directorate for Comptrollership, Directorate for Personnel and Records Management, ang Finance Service at ang Fiscal. Hehehe! Damay-damay na ‘to! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with