^

Punto Mo

Baklas-plaka, bawal ‘yan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga at tuluyan nang nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng isang memo na ipinagbabawal ang pagbaklas at pagkumpiska sa mga plaka ng sasakyang nasumpungan sa mga paglabag.

Mahigpit ang kautusan mula sa pamunuan ng LTO sa lahat ng mga law enforcer at deputized agent na ito ay kailangang masunod.

Ginawa ito ng LTO makaraang makatanggap ng mga reklamo buhat sa mga motorista na nasampolan sa pagtatanggal ng plaka ng mga enforcer na nahuhuli sa mga paglabag.

Binigyang-diin sa memorandum ang probisyon na umiiral sa Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01, nagsasaad na ang lisensya sa pagmamaneho, student permit, o ang sasakyan ay maaari lamang isailalim sa alarma kung hindi agad maipapataw o mababayaran ang kaukulang multa sa hinuling drayber o sasakyan.

Mukhang naging kalakaran ng ilang nanghuhuli na ang plaka ng sasakyan ang pinagdidiskitahan at binabaklas lalo na nga at hindi nila ma-impound ang mga nahuling sasakyan.

Tiniyak din naman ng LTO sa publiko na ang central command center ng ahensya ay maagap na makapaghahatid ng impormasyon sa mga tauhan nito sa lansangan hinggil sa mga naka-alarmang sasakyan.

Marahil dapat pang maseminar dito ang ilan pang mga law enforcers at kanilang deputized agents ukol dito at hindi na pagsimulan ng kalituhan at iringan sa lansangan sa panig nila at nang hinuhuli at binaklasang plaka na motorista.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with