^

Punto Mo

Korapsyon at ­pamumulitika, ibasura muna!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGPAPASINGAW na ng mga intriga at nagbabatuhan na ng putik ang mga taong naglalamiyerda sa bakuran ng Malacañang. Inaasahan na ito sa pagsisimula pa lamang ng pagpili sa mga ia-appoint na Cabinet members at bureau chiefs. Lalo na sa mga opisi­nang binabaha ng pera.

May mga nakaupong o­pisyales na ayaw nang tumayo at nangangalabit na ng mga bagong padrino para hindi sila mapalitan sa puwesto. Nangyayari ito ngayon sa Bureau of Customs nang mag-reshuffle si Comm. Bien Rubio ng mga district collectors. Ayaw daw magparelyebo dahil maganda naman daw ang collections nila. Baka naman “tara” ‘yan? Nag-uusisa na ang mga bubuwit ni Islaw. Baka matorotot kayo nang wala sa oras, ha-ha-ha!

Ginagamit pa diumano ng ilan ang koneksiyon sa pamilya ni VP Sara Duterte gayung isinusuka na sila ng mga ito. Matino si VP Sara at hindi magpapagamit kahit kanino. Kalawang lang ang sisira sa bakal.

Commissioner Rubio igapos mo muna si Venestria bago maging mikrobyo sa iyo ang mga ‘yan, ha-ha-ha!

Nagngangalit sa inggit ang mga alipores ng mga advisers kuno ni PBBM. Kabilang diyan ang mga matatandang tinali na sa pulitika at minsan nang isinuka ng mamamayan. Gusto pa raw kasi makahigop ng sabaw. Tama ba Mang Juan?

Kung naging unbeatable man ang BBM-Sara UniTeam noong 2022 election baka sirain ito ng mga taong may Unli-Bag na utak. Napag-uusapan na ng mga usisero sa “Lakas Barber Shop” ang magiging laro para sa 2025-2028. May Bilyar daw kaya?

Ang sabi ni Marites ay Gloriosang “kare-kareng gulay” na may petsay daw ang putahe at Los Pañeros de Romualdez y Abalos daw ang kakanta sa piging?

Malamang na ito ang pinag-ugatan ng usaping BBM-Sara “term sharing” dahil nakakapraning naman talaga ang mga nangyayari. Tama ba Maharoque? He-he-he!

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with