^

Punto Mo

Pagsasampa ng kaso vs Teves, nauunsiyami

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Muli na namang naudlot kahapon ang pagsasampa ng kasong murder ng Department of Justice (DOJ) laban kay sus­pended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Kaugnay ito sa kasong pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at siyam pang katao noong Marso.

Ito ay dahil sa tila ang mga sinasabing matitibay na testigo, yung mga nahuling suspect sa kaso ngayon eh tila ‘nag-aatrasan’ na.

Dapat kasi kahapon maisasampa na ng DOJ ang kaso laban kay Teves, na naudlot dahil sa pagtanggi na ngayong makipagtulungan ng mga sinasabing testigong suspect na direktang nagtuturo umano kay Teves sa naganap na krimen.

Nakikita rito ng DOJ, ang pagpihit sa pangyayari ay matapos na magkaroon ng mga pribadong abogado ang mga witness-suspects na nagpayo sa kanila na tumahimik.

Bukod nga dyan, ilan sa mga ito ay nag-isyu na ng bagong mga statement na pinaniniwalaang patungo na sa pagbawi sa nauna nilang salaysay.

Dahil nga rito, kailangang marebyu ng mga imbestigador ang mga statements at record para sa case building.

 Kaya nga ang tanong dito, dahil sa sinasabing ‘pagbawi’ ng mga naunang witness-suspect humina na nga kayang tuluyan ang kaso laban sa sinasabing ‘pinaka-utak’ sa pagpaslang kay Degamo?

Posible kayang balik-uli sa simula ang imbestigasyon at pagkalap ng matitibay na ebidensya na magdidiin kay Teves?

Kung ganito mangyayari, maaaring tumagal pa uli ang pagsasampa ng kaso laban kay Teves.

Marami na kasing nasabi patungkol sa kaso, marami ang naganap na announcement kahit pa nga siguro kulang pa o hindi pa konkreto na nakaapekto rin sa paghaharap ng kaso.

Mas makabubuti umano huwag muna kasing magdadada hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Dapat ibuhos ang lahat kung may susuporta nang matibay na ebidensiya sa paghaharap ng kaso.

Nauunsiyami tuloy, dahil nauuna ang pag-iingay.

vuukle comment

ARNOLFO TEVES JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with