^

Punto Mo

Modernization ng PCG, simulan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi naitatago ang galit ng ating mga kababayan sa tuwing napapanood o naririnig ang nangyayaring umano’y pambu-bully ng Chinese Coast Guard (CCG) sa ating Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).

Pinakahuli nga ang naganap na muntik nang pagbangga ng barko ng CCG at PCG.

Ramdam ang tensyon sa magkabilang panig maging sa kanilang pagpapalitan ng radio challenge.

Nakakabilid ang ating coast guard na talagang hindi nagpapatalo.

Maraming beses na ang ganitong pangyayari.

Maging ang ilan ngang mangingisdang Pinoy dumanas din ng mistulang pambu-bully sa karagatan.

Ilang ulit na ring nagharap ng diplomatic protest ang bansa laban sa China, paulit-ulit pa rin ang pangyayari.

Sa kasalukuyan naman, patuloy pa rin ang ginagawang pagmomonitor ng mga Chinese militia vessels sa naturang katubigan.

Gayunman, sinasabing ang mga ito ay hindi naman nakakaapekto sa operasyon sa kasalukuyan ng PCG.

Ang nakakalungkot nga lang sa tuwing may nagaganap na komprontasyon ng magkabilang panig sa karagatan, dito makikita talaga kung gaano mistulang napag-iwanan tayo sa mga kagamitang militar.

Aba’y makikita ang naglalakihan at modernong barko ng China, habang tatabi rito ang maliliit nating patrol boat.

Kaya yata ang lalakas ng loob ng mga ito na mam-bully eh nakikita nila ang gamit ng kanilang katunggali.

Panahon na marahil na mamuhunan na ang bansa sa mga moderno at bagong gamit sa AFP kasama na rito ang Coast Guard.

May mga naghain na ng panukalang batas para sa pagpapalakas sa kapabilidad ng PCG kapwa sa Senado at sa Mababang Kapulungan pero mukhang matagal ba ang magiging baliktaktakan dito at siympre pagtatalunan pa rin ang ilalaang pondo.

Dapat na marahil itong masimulan para habang tumatakbo ang panahon tuluyan nang napapalakas ng bansa ang pagbabantay sa ating maritime wealth.

Hindi na ito dapat na pagtagalin pa na dapat nga matagal na itong naumpisahan para naman hindi magtinging kawawa ang ating sandatahang lakas.

vuukle comment

PCG

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with