^

Punto Mo

Itatalagang mga bagong Gabinete, inaabangan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

KAABANG-ABANG ngayon ang inilutang ni Pangulong Bongbong Marcos na posibeng balasahan sa kanyang Gabinete.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo, eksaktong isang taon matapos siyang mahalal sa puwesto. Nangangahulugan din ito nang pagtatapos sa  1-year appointment ban sa mga tumakbong kandidato noong May 2022 election pero natalo?

Hindi nga ba’t hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga pangunahing posisyon sa pamahalaan ang nananatiling officer-in-charge (OIC) pa lamang ang nakaupo.

Kaya nga inaasahang anumang araw, iaanunsyo na ng Pangulo ang mga bagong uupo sa kanyang Gabinete at posibleng ang ilan nga dyan eh yung mga natalo sa nagdaang halalan.

Sinu-sino kaya ito, marahil may ilan nang bumubulong-bulong dyan, bago o matapos ang appointment ban.

Gayunman, may ilan namang nagsuhestiyon sa Pangulo na ang piliing mga bagong department head, eh yung handang magserbisyo pa ng limang taon sa pamahalaan at hindi yung magpapakilala lang bilang paghahanda sa darating na halalan sa 2025 at muling tatakbo.

Gayunman, prerogative yan ng Pangulo kung sinu-sino ang kanyang itatalagang mga katuwang sa gobyerno,  kaya walang dapat kumuwestiyon dito, maliban na nga lang kung hindi makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA).

Ilan sa inaabangang mga ahensya na posibleng lagyan na umano ng permanenteng secretary ay ang Department of Health (DOH), Department of Agriculture at Department of National Defense (DND) at ilan pang tanggapan.

‘Yan ang ating aantabayanan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with