^

Punto Mo

EDITORYAL - Inabuso ang war on drugs

Pang-masa

NAGKAROON nang pag-abuso ang Duterte administration sa pagpapatupad ng war on drugs. Ito ang sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. sa isang interbyu nang bumisita siya sa United States noong nakaraang linggo. Sabi ni Marcos sa panayam ng Center for Strategic & International Studies, nagkaroon ng pag-abuso sa pagpapatupad ng war on drugs. Masyado raw umanong nag-pokus sa enforcement ang nakaraang administrasyon. Ito umano ang dahilan kaya umabuso ang mga elemento ng pamahalaan sa pagpapatupad na naglagay naman sa sitwasyon na nalabag ang karapatang pantao.

Sinabi rin ni Marcos na maraming police officials ang nasangkot sa illegal na droga kaya naman hiningi niya ang courtesy resignation ng mga ito. Umabot sa 917 ang mga miyembro ng pulisya na nagsumite ng resignation. Sinabi ni Marcos na tinanggap na niya ang pagbibitiw ng dalawang heneral ng PNP.

Sa war on drugs ng Duterte administration na nagsimula noong 2016, umabot sa 6,252 ang namatay. Ang masaklap lang, ang mga napatay ay napatunayang inosente sa drug charges. Kabilang sa mga napatay ng pulis sa isinagawang drug operation ay mga inosenteng kabataan. Kabilang dito sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga pulis sa Caloocan City at saka walang awang binaril habang nakaluhod at nagmamakaawa. Si Arnaiz ay tinaniman ng droga saka pinatay. Si Kulot ay sinunog at natagpuan ang bangkay sa Nueva Ecija.

Marami pang pang-aabuso ang mga awtoridad na hindi na naimbestigahan. Maraming magulang ang humihingi ng hustisya sa pinatay nilang anak dahil sa war on drugs.

Ngayong sinabi na ni Marcos na may pag-abuso sa nakaraang administrasyon sa isinagawang giyera laban sa droga, nararapat lamang na maimbestigahan ang mga pag-abuso. Nararapat makamit ng mga naulila ang hustisya. Sumisigaw ang mga inosenteng nabutas ang katawan dahil sa bala.

Iginigiit ng International Criminal Court (ICC) na makapagsagawa ng imbestigasyon sa bansa sa isyu ng war on drugs ng Duterte admin. Hayaan ang ICC para malaman ang katotohanan sa mga paglabag sa karapatang pantao.

vuukle comment

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with