^

Punto Mo

Billy Joe, nanalo sa P6.4-M bid ng weekly payola sa PRO4-A!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

AND the winner is....si alyas Billy Joe! Hindi po beauty contest ang inaanunsiyo kong winner mga kosa kundi ang nanalo sa bidding ng weekly payola sa pasugalan sa Calabarzon police. Nagkaroon kasi ng bidding last week at ang nanalo ay ang P6.4 milyon weekly bid ni Billy Joe. Hehehe! Alam kaya ni PRO4-A director Brig. Gen. Carlito Gaces ang pa-bidding na ito? Araguuyyyyy!  

Siyempre, kahit mag-deny to death si Gaces na s’ya ang nasa likod ng bidding, abayyyyy walang maniniwala sa kanya sa Camp Crame. Nagsimula nang maglagak ng kanilang weekly payola ang mga financier’s ng bookies ng STL, ending, lotteng, EZ2 at iba pang sugal-lupa kay Billy Joe. Dipugaaaaa! Hehehe! Kay suwerte naman ng opisyal ng Calabarzon police!

Si Gaces ay magreretiro sa Oktubre. Kaya ang sitwasyon n’ya ang naging buod ng reklamo ng mga PNPA Class ‘91 o Lakan at PMA Class ‘92 sa “no holds barred” meeting nila kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. Hiniling kasi ng mga Cavaliers at Lakan na itong tulad ni Gaces, na magreretiro na sa loob ng anim na buwan, ay ‘wag na dapat ma-appoint sa mga sensitibong puwesto sa PNP dahil wala nang drive ang mga ito na magtrabaho. ‘Ika nga, hindi din sila makapag-deploy ng mga programa para sa katahimikan ng kanilang hurisdiksiyon dahil sa limitado na ang oras nila. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kapag naupo kasi itong magreretirong PNP officials tulad ni Gaces, ang sa tingin ng mga Pinoy ay hindi na sila mapakinabangan dahil mag-aantay na lang sila ng paparating na grasya o “pabaon.” At ang malakas na ebidensiya d’yan ay itong pa-bidding sa PRO4-A, di ba mga kosa? Tsk tsk tsk! Hindi lang nakakadagdag sa pagsira ng imahe ng PNP itong “pabaon” system kundi ginigiba din nito ang pag-asa ng mga qualified na police officials na umupo sa juicy positions. Dipugaaaaa! Ambot sa kanding nga may bangs!

Si Gaces ang pinili ni ex-PNP chief Junaz Azurin na pumalit kay Brig. Gen. Tateng Nartatez na na-promote bilang Comptroller ng PNP. May nagsasabi nga na “midnight appointments” sila ni Azurin. Subalit, sino ba namang Herodes ang kayang harangin ang appointment ni Gaces eh ninong n’ya sa kasal si President Bongbong Marcos? Hehehe! Super bagyo talaga ni Gaces no mga kosa?

 Dapat sigurong ipaaresto ni Gen. Acorda itong si Billy Joe para mawala na itong “pabaon” system sa PNP. O at least mabawasan man lang ang problemang dulot ng magreretirong PNP officials sa kanilang hanay. Dipugaaaaa!

Hindi lang ‘yan! Dapat ipagbawal rin ni Acorda itong kinaugaliang bidding ng payola dahil ang nakikinabang dito ay ang nakaupong opisyal at ni singkong duling ay hindi nakakatulong sa PNP organization. Mismoooooo! Abangan!

vuukle comment

BIDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with