^

Punto Mo

PNP, BoC, PAGCOR, PCSO, DICT at NTC, maglinis na kayo!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MALAKING hamon ang kinakaharap ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa pagkakatalaga sa kanya ni Pres. Bongbong Marcos bilang ka­palit ni Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nagretiro sa gitna ng makontrobersiyang usapin sa hanay ng pulisya.

Ang mga sindikato ng droga at sugal na may koneksiyon sa mga pulitiko ang sumasalaula sa matitinong pulis. Pinaikot nila ang batas kasabay ng pag-embal­samo ng kongreso sa parusang bitay. Baka naman anino ng ilan sa kanila ang kriminal? Hellooowww!

Ang PCSO at PAGCOR ay lantarang nagagamit ng mga henyong operators ng sugal ngayon gamit ang high-tech na pagpapataya na may halong pandaraya!

Abot hanggang sa kasuluk-sulukan ng pamayanan ang illegal operation ng on-line gambling na tila napapabayaan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at National Telecommunication Commission (NTC). Kumusta na po kayo DICT Sec. Ivan John Enrile Uy at NTC Commissioner Ella Blanca Lopez. Gising po ba kayong dalawa?

Noong 1974, itinatag ang PAGCOR para pagkunan ng pandagdag na pondo ng gobyerno sa mga proyekto nito. Binago ang imahe nito noong 1986 sa ilalim ng revolutionary government nang i-reorganized ito at umusbong na ang usapin sa katiwalian.

Kalaunan, sumibol na nga ang STL ng PCSO at e-sabong ng PAGCOR na nakorner naman ng mga taong henyo sa negosyong sugal. Sila-sila na ang nagpapatayan ngayon kakutsaba ang ilang tiwaling opisyales ng PNP. Magkaubusan kaya sila? Tsk-tsk-tsk!

Ikinatuwa ng druglords ang pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos Sr. noon. Lumaganap ang sindikatong sinimulan ni Lim Seng na ipina-firing squad ni Marcos noong martial law. Dumaraan din sa bakuran ng Bureau of Customs ang bulto ng droga. O ayan General Acorda at BoC Comm. Bienvenido Rubio. Alam na ‘dis!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with