^

Punto Mo

Mag-ingat sa iniinom na tubig

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGLIPANA ang mga nagtitinda ng inuming tubig sa kalsada at bus terminals na hindi sigurado kung distilled water nga ang laman. Mada­ling mapeke ang plastic seals nito at maaring i-recycle ang plastic containers na pinulot sa basurahan.

May posibilidad din na kaya naiiba ang lasa ng tubig na itinitinda ay dahil galing ito sa mga ordinaryong poso na walang chlorine treatment tulad ng prosesong ginagawa sa pangangalaga ng MWSS. Tama ba Maynilad?

Marami na ang kaso ng diarrhea na ang dahilan ay viral at bacteria infections na ang nabibiktima ay mga bata. Dapat umaksyon ang municipal at city health department sa pamumuno ng DOH bago pa dumami ang mga magkakasakit.

Hindi rin nakasisiguro sa mga tubig sa malalaking malls dahil may mga gumagamit ng recycled water na ginawa ng mga water treatment company. May babala ba sa comfort rooms na hindi ito puwedeng inumin?

Walang kasiguruhan kung ang proseso ng recycled water na ginagamit sa mga malls ay ligtas sa E. Coli bacteria. Ang ginamit na tubig sa toilet at pinaghugasan sa mga restaurant ay iniipong muli at ipinagagamit na sa mga tao.

Dapat ipaalam sa publiko ang periodic testing results ng recycled water sa mga malls na may patnubay ng DOH para sa kaligtasan ng mamamayan.

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with