^

Punto Mo

Tinubos tayo ni Hesus hindi upang maging malisyoso

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKAUGALIAN na ng mga Katolikong Pilipino ang makipagprusisyon tuwing Semanta Santa pero mas marami ang nanonood lang at nag-uusyoso sa daraanan ng prusisyon na ang binabantayan ay kamalian at paghusga sa tradisyon ng mga Katoliko. Mga alagad ni Marites na lahi ni Herodes. He-he-he!

Karaniwang mga dating Katoliko rin na sumapi na sa ibang relihiyon ang lantarang tumutuligsa sa pagpupru­sisyon at pagsasakripisyo ng mga debotong Katoliko tuwing Biyernes Santo. Lihis daw ito sa katuruang nasusulat sa Bibliya. Naging matino ba naman sila ngayon sa bago nilang inaniban o naging judgemental?

Kinukondena diumano sa Bibliya ang mga sumasamba sa anumang uri ng rebulto na ginawa lamang ng tao kaya ito ang ibinabato nila sa Simbahang Katoliko. Dapat palang ituwid ang maling tradisyon eh! Bakit iniwan nila ang mga kasapi nila sa Simbahang Katoliko na nangangailangan pala ng pagbabago. Sino ngayon ang aakay sa kanila?

Mas malaking kasalanan ang abandonahin natin ang ating mga kapatid para sa pansariling kaligtasan at magtamasa ng kasaganaan gamit ang pulpito ng bagong tatag na simbahan. Hindi ganyan ang gustong mangyari ng Diyos sa sangkatauhan. Mas babagay na tawagin silang mga malisyoso at “puganteng tupa”.

Tandaan natin na namulat si Hesus sa pagiging Hudyo at ang kinamulatang relihiyon ay Jewish Communal Service o Judaism. Kinondena ng simbahan dahil sa pagsasabi ng katotohanan at inakay niya ang libu-libong mga naliligaw na Hudyo na na­ging hudyat para maging “sakripisyong tupa” siya ng Ama natin sa langit upang maging katubusan ng ating kasalanan. Kaya ba natin ang ginawa ni Hesus?

vuukle comment

SEMANTA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with