^

Punto Mo

20 senyales na kuntento ka sa buhay  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Hindi ka na madrama.

2. Hindi ka na nahihiyang humingi ng tulong sa ibang tao.

3. Iniiwasan mo na ang “energy vampires”, ‘yun bang mga taong nagdudulot sa iyo ng negative vibes.

4. Minamahal mo na ang iyong sarili ngayon kaya nilalayuan mo at kinakalimutan  ang mga bagay o tao na nagdudulot lang sa iyo ng lungkot at problema.

5. Nagagandahan ka sa iyong sarili kahit nanay mo lang ang naniniwala sa iyong beauty. Pinapaniwalaan mong may talino kang taglay kahit hindi ka naging honor students kahit kailan.

6. Naniniwala kang ang kabiguan ay bahagi ng pag-unlad ng iyong pagkatao.

7. May mga taong sumusuporta sa iyo sa lahat ng sandal sa oras ng kabiguan o tagumpay.

8. Hindi ka na reklamador.

9. Natutuwa ka sa tagumpay ng iyong mga kaibigan.

10. Abala ka sa pagpapaunlad ng iyong skills.

11. Araw-araw ay excited ka dahil hinihintay mong matupad ang iyong wish.

12. Dahil minsan, isa sa mga wishes mo ay natupad.

13. May malasakit ka sa ibang tao at ipinapakita mo ito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

14. Hindi ka nadadalang magmahal kahit minsan ka nang nabigo.

15. Hindi ka na pumapayag na maging biktima. Fighter ka na ngayon!

16. Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

17. Positibo ang tingin mo sa lahat ng bagay.

18. Tanggap mo ang mga bagay na wala ka nang magagawa.

19. Pero gumagawa ka nang paraan na mabago ang mga bagay na puwede pang mapabuti.

20. Lagi mong dinadasal na magkaroon ka nang mahabang buhay.

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with