^

Punto Mo

Wheelchair (146)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“GUSTO ko lumipat tayo sa maayus-ayos na tirahan, Tito Mon,’’ sabi ni Jong. “Hindi ko na po pababalikin si Inay sa probinsiya dahil wala naman siyang kasama roon. Isa pa may edad na rin siya. At mabuti rin na narito siya para may kasama ka sa bahay.’’

“Oo nga Jong. Maganda ngang narito na ang inay mo. E paano naman ang inyong lupang sakahan sa probinsiya. Paano ang mga tanim ninyo roon?’’

Ang inay ni Jong ang sumagot, “Ipinakiusap ko na sa isang kamag-anak natin na siya na muna ang mag-asikaso. Bago tayo nagtungo rito ay inihabilin ko sa kanya. Sabi ko siya na ang bahala pati sa bahay. Kaya wala nang problema ukol dun, Mon.’’

“’Yun naman pala e di talagang dito ka na maninirahan, Pinsan.’’

“Oo. Gusto kong pagsilbihan si Jong. Mula nang lumuwas siya rito sa Maynila ay hindi ko na siya napagsilbihan.’’

Nang magsalita si Jong ay gumagaralgal ang boses. Parang maiiyak sa sinabi ng ina.

“Salamat Inay. Hayaan mo at sa unang suweldo ko ay kakain tayong tatlo sa isang buffet restaurant. Pangako ko ‘yan. At gaya nang nasabi ko kanina, lilipat tayo sa isang maayos na apartment.’’

“Salamat Jong. Kapag kumain tayo, isama mo si Pam. Gandang-ganda ako sa kanya at saka ang bait-bait.’’

“Opo Inay.’’

SUBSOB na subsob sa kanyang trabaho sa ospital si Jong. Talagang pinagbubuti niya ang pagiging nursing aide. Hindi siya nagpapabaya sa trabaho. Ang pagiging responsible sa trabaho ang susi sa pag-unlad ng isang tao. Ipinagpapasalamat ni Jong na mababait ang mga kasama niya sa trabaho. Inaalalayan siya. Tinuturuan ng mga senior nursing aide.

Nasabi ni Jong sa sarili na hindi magtatagal at uunlad at gaganda ang kanilang buhay. Ipalalasap niya sa kanyang inay ang maginhawang pamumuhay—at siyempre, kasama rin si Tito Mon na pinagkakautangan niya nang lahat kung bakit nakapagtapos ng pag-aaral.

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with