^

Punto Mo

Sastre, nag-mountain climbing suot ang tinahing amerikana para ipakita kung gaano ito katibay!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kilalang sastre sa Japan ang nag-viral sa social media matapos niyang akyatin ang pinakamataas na bundok sa Malaysia, ang Mount Kinabalu habang suot ang tinahi niyang Amerikana!

Upang i-promote ni Nobutaka Sada ang kanyang tailoring shop na gumagawa ng made to order na mga tu­xedo, three piece suits at Amerikana, inakyat niya ang highest peak ng Mount Kinabalu na may taas na 13,435 feet.

Hindi ito ang unang beses na gumawa ng ingay sa social media si Sada para ipakita sa mga netizens kung gaano kataas ang kalidad ng mga Amerikana na ginagawa sa kanyang shop. Suot ang kanyang produkto, inakyat na niya dati ang mga bundok sa Japan tulad ng Mount Fuji at Mount Shirouma.

Nakatakbo na rin siya sa Tokyo marathon, nag-skiing sa nagyeyelong mountain slopes sa Hokkaido at nakapag snorkeling na siya sa Genkai sea.

Ipinagmamalaki ni Sada na kahit gaano ka-extreme ang mga ginagawa niyang adventure, hindi nasisira ang isinusuot niyang Amerikana.

vuukle comment

SASTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with