^

Punto Mo

Wheelchair (143)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SALAMAT, Tito Mon sa pang-unawa,’’ sabi ni Jong at tinapik-tapik ang tiyuhin. “Siya nga pala Tito, next week ay graduation na namin. Pagkatapos nang mga paghihirap, malalasap din ang pinagpaguran.’’

“Oo nga pala ano? E ano, may medalya ka ba, ako ang top sa klase namin, Tito.’’

“Valedictorian?’’

“Oo, Tito. Pero bukas pa makukumpirma pagpunta ko sa dean’s office. Sana, totoo nga na ako ang top.’’

“Sigurado na ‘yan. Kilala kitang matalino, matiyaga at mabait. Ikaw na ang valedictorian.’’

“Salamat Tito. Kapag nagkatotoo, puwede ko nang puntahan si Inay sa probinsiya para makadalo sa graduation ko.’’

“Oo nga. Sa halip na ako ang magsabit ng medal mo, e ang inay mo na lang.’’

“Sige Tito. E di ikaw na ang sumundo kay Inay sa probinsiya. Sorpresahin mo Tito. Huwag mong sasabihin na mayroon akong karangalan na tatanggapin. Basta  graduation ko lang.’’

“Sige. Pero may problema, Jong.’’

“Anong problema, Tito?’’

“Wala akong pamasahe?’’

“Marami akong pera di ba, Tito. Di ba may natanggap akong reward dahil sa pagkakahuli ng dalawang wanted na nag-abduct sa iyo. Pagkagaling mo sa province, ibibili ko naman kayo ni Inay ng bagong damit na isusuot sa graduation ko.’’

Tuwang-tuwa si Tito Mon.

“Sige Jong. E di bukas, uuwi na ako sa probinsiya para may oras pa tayo s sa pagbili ng mga kailangan sa pagtatapos mo.’’

“Sige Tito. Eto na ang pamasahe ninyo ni Inay, kasama ang baon.’’

“Salamat, Jong. Ang dami nito ah!’’

MAKALIPAS ang dalawang araw, naghahanda na sina Jong at Pam sa kanilang gra­duation. Nagpapraktis na sila. Si Jong ang valedictorian ng klase.

“Jong congrats, ikaw ang valedictorian,’’ sabi ni Pam.

“Salamat Pam. Congrats din.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with