^

Punto Mo

Wheelchair (141)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPAALAM na si Jong kina Lolo Ado at Enod. Nang lumabas siya sa barungbarong ng maglolo ay magaan ang pakiramdam niya. Dahil siguro nakapagpaligaya siya ng dalawang tao—sina Lolo Ado at Enod. Nakita niya sa mukha ng maglolo ang hindi maipaliwanag na kasiyahan dahil sa hindi niya pagkuha sa wheelchair. Bukod doon, binigyan niya ng P10,000 si Lolo Ado. Malaki ang maitutulong ng halagang iyon sa mag­lolo. Makakakain na ng tatlong beses ang mag­lolo.

Habang naglalakad­ si Jong patungo sa sakayan ng dyipni ay naghahanda na siya sa mga sasabihin kay Tito Mon kung bakit hindi niya dala ang wheelchair. Ipagtatapat niya ang buong katotohanan na ang wheelchair ay ginagamit na ng isang matanda­ na may kapansanan. Iku­kuwento niya na ang ma­tanda ay may apo at ito ang tanging kasama sa barungbarong. Kawawa ang kalagayan ng matanda at apo na anumang araw at oras ay maaaring gibain ang kanilang barungbarong.

Nabanggit ni Enod na pagtatayuan daw ng Skyway ang kinatitirikan ng kanilang barungbarong.

Nang dumating si Jong sa kanilang bahay ay nakaabang na sa kanya si Tito Mon. Nang sumu­ngaw siya sa pinto at makita ni Tito Mon, ang unang tinanong nito ay kung nasaan ang wheelchair.

Naupo si Jong at sinabi kay Tito Mon ang mga nangyari kung bakit wala ang wheelchair. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with