^

Punto Mo

Panuntunan sa fare discounts sa PUVs, plantsahin muna!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI pa man tuluyang naipapatupad ang programang bawas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa, eh tila mukhang nagkakagulo na.

Matinding kalituhan umano hindi lang sa panig ng mga drivers ng PUVs, kundi maging sa mananakay ang ipatutupad na fare discount na sinasabing posibleng magsimula sa Abril.

Kaya may hinala na hindi ito lubusang napag-aaralan lalu na ang mechanics kung paano ito ilalargang ipaimplenta.

Kinalampag ni  Manibela national president Mar Valbuena, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil mistulang hindi na nabusising maigi ang mga panuntunan ukol dito.

Dapat din umano na kung hindi pa plantsado ang patakaran hindi rin muna ito inilabas sa publiko.

Pero sa totoo lang, masalimuot talaga ang nais nilang mangyari dito.

Baka nga pagsimulan pa ito nang marami at matitinding pagtatalo sa pagitan ng mga driver at mga pasahero.

Sa kasalukuyan kasi ang mga miyembrong nasa ilalim na ng kooperatiba ang siya lamang makakatanggap ng subsidiya sa pamahalaan para makapagpatupad sa bawas-pasahe.

Ibig sabihin hindi pala sa lahat ng PUVs ito maipapatupad na inakala naman ng maraming pasahero ay sa lahat ng biyahe meron silang mapapakinabangang discount.

Hindi rin naman susunod ang ilang drivers na magbaba ng pasahe dahil wala namang kasiguruhan na mabibigyan sila ng subsidiya ng pamahalaan.

Yan ang malaking katanungan dyan.

Yan ang posibleng pagmumulan ng pagtatalo na baka mauwi pa sa gulo.

Kailangang maglabas ang LTFRB ng malinaw na panuntunan ukol dyan bago tuluyang ipatupad.

Sakaling maipatupad ang bawas-pasahe, ibabalik sa P9 ang minimum na pasahe sa tradisyonal na jeep mula sa kasalukuyang P12; P11 sa modernized jeepney buhat sa kasalukuyang P14, at mababawasan naman ng mula P3 hanggang P4 ang pasahe sa bus.

Maganda ang layunin at marami ang makikinabang pero dapat ayusin muna ang panuntunan nang hindi pagmulan ng kalituhan.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with