^

Punto Mo

Wheelchair (140)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KASUNOD nang pagmamakaawa ni Enod kay Jong ay ang pag-iyak nito. Tumulo ang masaganang luha sa mga mata. Hindi makapagsalita si Jong. Nanatili siyang nakatingin kay Enod.

“Kawawa naman si Lolo Ado, Kuya Jong. Huwag mo na pong kunin ang wheelchair. Bulag na po kasi si Lolo at mahirap kung maglalakad pa siya. Malaking tulong po kay Lolo ang wheelchair. Kapag inalis po siya sa wheelchair ay baka hindi na maging maayos ang kalagayan niya.  Maawa ka Kuya Jong, hu-hu-hu!’’

Gusto na ring mapaiyak ni Jong sa mga sinabi ni Enod. Nabagbag ang loob niya sa mga sinabi nito.

Maya-maya, nagsalita si Lolo Ado.

“Enod, t-tulungan mo akong makababa sa wheelchair. K-kukunin na ito ni Kuya Jong mo. Kasi ipinakiusap lang niya ito sa akin nun. I-ipinatago lang niya. H-halika apo ko at tulungan mo akong makababa. S-sa sahig na lang ako. K-kaya ko namang gumapang. M-may awa ang Diyos, malalampasan natin ang pagsubok na ito. M-malay mo, isang araw bigla akong makakita. M-nuli akong makakapamulot ng basura at makakakain na tayo ng regular. H-halika na Enod, ibaba mo na ako. N-nakakahiya kay Kuya Jong mo.’’

Biglang nagsalita si Jong.

“Lolo Ado, huwag ka na pong bumaba sa wheelchair. Hindi ko na po kukunin yan. Sa’yo na po yan, Lolo.’’

Sa tuwa ni Enod sa sinabi ni Jong ay napayakap ito sa binata, Humagulgol.

“Salamat, Kuya Jong.’’

Hindi naman makapaniwala si Lolo Ado sa narinig.

“T-totoo ba Jong? H-hindi mo na kukunin ang w-wheelchair?’’

“Opo Lolo Ado. Sa’yo na yan!’’ sabi ni Jong at dinukot ang kanyang pitaka. Binigyan ng P10,000 ang matanda. Marami siyang pera dahil sa natanggap na reward—nakatanggap siya ng P500,000 reward.

“S-salamat Jong! P-pagpalain ka ng Diyos! S-sana su­wertihin ka pa sa buhay,’’ sabi ni Lolo Ado.

“Salamat din Lolo.’’

Tumigil na si Enod sa pag-iyak. Nakatingin ito kay Jong.

“Hayaan mo Enod at kapag nagkatrabaho ako, pag-aaralin kita.’’

“Salamat Kuya Jong.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with