^

Punto Mo

Wheelchair (139)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKARATING sa isang barungbarong na nasa tabi ng riles sina Jong at ang batang si Enod. Giray na ang barungbarong na paghinipan ng hangin ay matutumba. May katabi rin itong iba pang barungbarong.

“’Yan ang sa amin Kuya Jong,’’ sabi ni Enod.

“Nasaan si Lolo Ado?’’

“Nasa loob yun, teka at tatawagin ko.’’

Pumasok si Enod sa pinto ng barungbarong na pinagtagpi-tagping manipis na plywood.

Sumunod si Jong kay Enod.

“Lolo, Lolo!’’ tawag ni Enod.

May narinig si Jong na ungol mula sa loob. Si Lolo Ado siguro ‘yun.

Pumasok na sila.

Nagulat si Jong sapagkat nakaupo si Lolo Ado sa wheelchair na iniwan niya—ang wheelchair na pinangako niyang ibabalik kay Tito Mon.

“Lolo, narito si Kuya Jong yung may-ari ng wheelchair.’’

“J-jong?’’

“Oo si Kuya Jong.’’

Inaaninag si Jong ni Lolo Ado pero hindi yata siya makita. Malabo o bulag na si Lolo Ado?

“J-Jong, ikaw b-ba ang m-may-ari ng w-wheelchair n-na inuupuan k-ko?’’

“Opo Lolo Ado.’’

“P-pasensiya k-ka n-na Jong. N-nagkasakit ako. H-hindi na a-ako m-makalakad at hindi na rin m-makakita. G-ginamit k-ko m-muna ang w-wheelchair mo. P-pero kung k-kukunin mo na, p-puwede naman akong maupo. K-kukunin mo na ba Jong. Di b-ba sabi mo ay sa tito mo i-ito? Tulungan mo lang akong makababa sa wheelchair, Jong. N-nahihirapan kasi si E-enod.’’

Hindi makapagsalita si Jong.

Kukunin pa ba niya ang wheelchair na ginagamit ni Lolo Ado?

Mas kailangan ito ni Lolo Ado kaysa ni Tito Mon.

Nagulat si Jong nang magsalita si Enod.

“Kuya Jong, parang awa mo na, huwag mo nang kunin ang wheelchair. Kawawa naman si Lolo. Wala na siyang uupuan kapag kinuha mo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with