^

Punto Mo

Mas mabigat na ­parusa sa masasangkot sa recycling ng illegal drugs  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAKAKABAHALA ang mga ulat na bukod sa monetary rewards ay may cut pa umano sa nakukumpiskang droga ang ilang mga impormante.

Alarming din ang report na hindi lahat ng nasasamsam na droga sa mga isinasagawang drug ops, lalu na ang malakihang operasyon eh inilalabas o idinedeklara kundi bahagi lamang.

Sinasabing nasa 30 porsiyento lamang ng nakukumpiskang illegal drugs ang idinedeklara, habang ang 70 porsiyento nito ay itinatago saka ibinebenta ng ilang tiwaling operatiba at informants.

Iyan ang natuklasan sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Dagerous Drugs sa pangunguna ni Rep. Robert Ace Barbers.

Ayon nga sa asset kapwa ng PNP at PDEA, matagal na ang ganitong kalakaran.

Nanindigan naman si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Moro Virgilio Lazo na pera lamang o monetary rewards, at hindi ilegal na droga, ang dapat na ibigay bilang pabuya sa kanilang mga tipster. 

Ang mga tipster umano ay maaaring makatanggap ng hanggang P2 milyon kapalit ng ibibigay nilang impormasyon, pero walang bayad na droga.

Dapat naman talagang mabantayan kung talagang nangyayari ang ganitong kalakaran dahil kung hindi, aba’y mistulang paikut-ikot lang ang ilegal na droga.

Biruin mong kukumpiskahin, tapos ang maliit na bahagi ang ilalabas at ang malaking bahagi ay posible palang bumabalik sa market.

Kapag ganito eh hindi talaga lubusang masasawata ang problema sa droga, kundi siguradong palala at pabalik-balik lang.

Kapwa nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ukol dyan ang Kamara at Senado, sana nga ay maisama sa mabubuong rekomendasyon ang paglikha ng batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga sangkot sa recycling ng illegal drugs.

Isama na rin marahil dyan ang agarang pagwasak sa makukumpiskang droga at hindi na iniimbak o pinagtatagal pa sa kustodya ng mga operatiba.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with