^

Punto Mo

Artista sa India, nakipag-selfie sa 184 niyang fans sa loob ng 3 minutes!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng bagong Guinness World Record ang Bollywood actor na si Akshay Kumar dahil sa mabilisan niyang pakikipag-selfie kasama ang 184 niyang fans.

Kinumpirma ng Guinness organization na ang Indian actor na si Kumar ang bagong record holder ng titulong “Most Selfies Taken in 3 minutes”. Naganap ang record breaking attempt sa Mehboob Studios sa Mumbai, India.

Mahigit 240 na tagahanga ang pumila para isa-isang magpa-picture kasama si Kumar. Hinati sa dalawang pila ang mga fans para madaling mapagsalit-salitan ni Kumar ang pakikipag-selfie sa mga ito.

Sa loob ng three minutes, nakakuha ng 209 selfie photos si Kumar ngunit 25 sa mga ito ay malabo kaya hindi ibini­lang ng panauhing Guinness adjudicator. Suma total, 184 selfies lamang ang qualified at natalo nito ang previous record na 168.

Itinaon ang record breaking attempt na ito para sa promotion ng bagong action-co­medy movie ni Kumar na pinamagatang “Selfiee”.

 

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with