^

Punto Mo

Party

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Cecilia Ramirez, Mexicana, 35 years old, ay may sakit na hemiplegia. Ang kanyang kalahati ng katawan ay paralisado. May hinala si Cecilia na nakuha niya ang sakit matapos silang magbakasyon ng kanyang mga kaibigan sa Idaho.

Taon 2013 nang magbakasyon ang magbabarkada sa Idaho. Isang gabi ay naisipan nilang maglakad-lakad sa paligid ng hotel na kanilang tinutuluyan. Sa kalalakad, may daanan silang lumang  stone cabin na hinala nila ay may nagaganap na party sa loob. Malakas kasi ang music at maliwanag ang ilaw. Sumilip ang magkakabarkada sa bintana. Nakita nilang ang bihis ng mga tao ay makaluma, parang damit noong Victorian era. Sa magkakaibigan, itong si Cecilia ang malakas ang loob at may kakulitan.

“Halika, pumasok tayo, baka may costume party sila ” yaya nito sa mga kaibigan.

“Huwag…baka private party iyan. Nakakahiya.” sagot ng isang kaibigan.

Pero naihakbang na ni Cecilia ang isang paa papasok sa pintuan. Nakapasok na ang kalahati ng kanyang katawan nang sabay-sabay siyang hilahin ng mga kasama palabas sa pintuan. Natigilan si Cecilia. Nang ipasok kasi niya ang kalahati ng katawan, may nadama siyang napakalamig na hangin. Dumampi ito sa kanyang mukha at buong ulo.

Pagbalik sa Mexico ay nagsimula nang sumakit ang ulo ni Cecilia hanggang isang araw ay isinugod siya sa ospital dahil na-stroke. Wala siyang history ng sakit sa puso at high blood. Taon-taon ay nakakaranas siya ng executive check up dahil requirement sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya bilang chef.

Ang diagnosis sa kanya ay mayroon siyang hemiplegia. Naparalisa ang kanyang kalahati ng katawan dahil nagkaroon ng diperensiya ang isang bahagi ng kanyang utak. Wala raw injury sabi ng doktor pero may abnormal activity ito. Malakas ang hinala ni Cecilia na ang pagpasok niya sa stone cabin ang dahilan ng kanyag sakit. Ayon sa psychic na nakausap niya, ang nasaksihan nilang party ay hindi normal dahil mga kaluluwa na lang ang mga taong naroon. May nasagap siyang negative energy mula sa stone cabin na naging sanhi ng kanyang sakit.

 

vuukle comment

PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with