^

Punto Mo

Sa alitan nina Remulla at Bantag, dami pang anomalyang lalantad!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NANGGAGALAITI sa galit si suspended BuCor chief Gerald Bantag dahil siya ang nadidiin na mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid. Pinaratangan niya si DOJ Sec. Crispin Remulla na nagmamanipula sa tinatahak ng imbestigasyon. Aba’y exciting nga ito!

Nabuksan ang libro ng kababalaghan sa NBP nang sumuko ang mamamatay tao na si Joel Escorial at inguso ang mga kasangkot sa pagpatay kay Lapid. Nahubaran ang sindikato ng gun for hire dahil sa pagkakapatay kay Cristito Villamor nang mga “kakosa” niyang Sigue-Sigue Sputnik. Si Villamor ang itinurong middleman ni Escorial. Parang Judas Escariote? Magkahawig di ba?

Ang mga nakalipas na pamunuan ng NBP ay nasangkot din sa mga iregularidad at pagkunsinti sa mga illegal na gawain ng mga preso. May gun for hire, illegal drug tradings, sex “tilapia” at gambling dens. Bukod pa ang “atik” sa “pitik” sa food allowances ng mga preso, he-he-he!

Noong 2012, inilutang ni Sandra Cam si NBP prison guard Kabungsuan Makilala at naging wistleblower ito sa sex “tilapia” trade sa NBP. Inilipat si Kabungsuan Makilala sa Davao Penal Colony, pero kalaunan, pinatay din ito. Si Leila de Lima ang DOJ Secretary noon at NBP chief si Ernesto “Totoy” Diokno. Sila ang magka-tandem, tsk-tsk-tsk!

Sa mga nangyayari, aba’y parang naging “master key” pa ang pagkakapatay kay Lapid sa pagbubukas nang mas malalang illegal activities sa NBP. Mistulang naging mga bida pa at gagawing state witnesses ang mga nagpondo at nagkaisang patayin si Lapid. Nakupooo! Totoo ba?

Mas bida sana sina Israel at Edmund Dimaculangan na kasama ni Escorial bilang liquidation squad kung sumunod kaagad sila sa pagsuko sa PNP. Dahil hindi sila ang nakapatay kay Percy Lapid, mas qualified silang maging state witnesses. Buhay pa ba kayo? Sumuko na kayo!

vuukle comment

GERALD BANTAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with