^

Punto Mo

BoC at BuCor, mga ‘bukbok’ ng gobyerno

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KAMBAL sa pagiging batik na ahensiya ng gobyerno ang Bureau of Customs at Bureau of Corrections. Kapwa lunod ang dalawang ahensiya sa salaping kinikita mula sa mga palusot na epektos sa kani-kanilang bakuran. Mga bukbok sa lipunan talaga!

Kung sa BoC ay talamak ang smuggling ng agricultural products tulad ng bigas, sibuyas, isda at droga, sa BuCor ay talamak naman ang paglusot ng droga, alak, at “tilapia”. Bukol ang taguri sa panlalamang sa pera sa BoC, ganundin malamang sa BuCor. Bukbok talaga ang dalawa di ba? He-he!

“Tara” ang tawag sa grease money sa BoC, samantalang “tarima” naman ang bunton ng pera na hinihigaan ng mga siga sa Bilibid. Magkatulad talaga.

Mabuti na lang at sina former BoC Commissioners Ruffy Biazon at Nicanor Faeldon ay hindi nagkakaso. Nang lisanin ni Ruffy Biazon ang opisina niya ay naging mayor naman siya ng Muntinlupa. Si Faeldon naman ay naging “primero mayor” ng NBP sa Muntinlupa. Hawig na naman, ha-ha-ha!

Matagal na ang istorya’ng lamyerda ng mga bigtime na preso sa NBP. Nakakauwi at nakakapag-night club at casino pa diumano ang mga ito na may bendisyon ni Director. Lumang tugtugin na nga talaga. Kaya pala nagtayo na si Papa Ampang ng aliwan sa oblo. May concert pa with Jamming ni Leila! Yahoo!

 

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with