^

Punto Mo

CPP-NPA kinaiinisan na ng masa!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

TINAMBANGAN ng mga miyembro ng NPA ang convoy ng Philippine Army na maghahatid ng pagkain, gamot at kagamitang pantulog sa mga nasalanta ng bagyo at lindol sa Abra. Trabahong terorista ito di ba?

Sa petisyon ng CPP-NPA sa pagpaparatang sa kanilang sila ay mga terorista, nag-akda nang desisyon si Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar na hindi mga terorista ang NPA. E ano ang itatawag sa kanila matapos tambangan ang mga naghatid ng pagkain at gamot sa mga nagugutom na mamamayan, bayani?

Maraming leaders ng NPA ang sumuko na at umamin na sila ay recruiters ng mga estudyante para isabak sa labanan at ibagsak ang gobyerno. Umamin din ang mga dating ­leaders o “cadre”na libo na ang bilang ng mga ipinapatay nilang miyembro na gustong magbalik-loob sa gobyerno. Hindi pala terorista ang taguri sa pumapatay sa mga gustong magbalik-loob sa gobyerno. Eh! bagay pala talaga silang tawaging kabag ng bayan!

May mga party-list representatives na nakapaloob sa CPP-NPA ang masigasig manuligsa sa pondong itinatalaga sa mga departamento ng gobyerno. Parang sila na lang ang matalinong tao. Nakakatawa, pero ang mga nakukuha nilang multi-million pork barrels ay hindi nila inilalathala kung saan nila dinadala. Kabag talaga ang aabutin ng naghihikahos na mamamayan kapag ganyan. Korek ba Kabataan  Sweetie “Tiktok” Raoul Manuel?

Naniningil ng revolutionary taxes ang mga NPA sa mga negosyante at magsasaka. Kapag hindi nagbayad ay piniper­wisyo nila ang mga negosyo at pananim ng mga ito. Nauuna pa silang maningil ng buwis kaysa BIR. Kaya pala nagmamahal nang husto ang mga bilihin sa merkado. Aba dapat pala sila ang mamigay ng ayuda sa kanayunan at hindi ang manambang sa maghahatid ng tulong.

Bayan muna dapat at hindi ang pananambang ang gawin nila. Tama ba mga dating scholars na bayan? Mag-aral ulit kayo at babayaran ulit namin!

Sandamukal na abusadong opisyal ng gobyerno ang lumulustay sa salapi ng bayan. Pero ang mga sundalong tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo at lindol ang kanilang pinapatay? Tatagain kayo ni Gabriela Silang kung siya ay nabubuhay!

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with