^

Punto Mo

Isulong ang parusang bitay!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KULUNGAN lang ang destinasyon ng mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Kaya nagdiriwang ang mga nahahatulang criminal dahil premyo pang maitutu­ring ang makulong sa New Bilibid Prison kung hampaslupa ka rin naman. Libre nga naman doon ang pagkain, tubig, damit at kuryente.

Talamak ang droga, alak, sugalan, prostitusyon at ko­rapsyon na tumalo pa sa estado ng mga nabubuhay sa labas ng Bilibid. Masarap ang buhay doon kaya wala nang natatakot gumawa ng krimen. Hindi na parusa ang tawag sa kulungan kundi kanlungan ng mga premyadong kriminal. O di ba?

Maraming congressmen at senador ang ayaw sa death penalty dahil isinali sa karumal-dumal na krimen ang plunder. Lethal injection ang parusa kapag napatunayang umabot sa P50 milyon ang nadambong sa kaban ng bayan.

May ilang naging presidente at mambabatas ang nagsulong ng death penalty pero hindi nagtagumpay dahil kinontra ito ng simbahan. Sa dami ba naman ng mga pastor at pari na sangkot sa panggagahasa, talagang hindi nila gugustuhin ang death penalty. Malamang kasi na maging kandidato rin sa bitay ang mga “banal na aso at santong kabayo”. Ayawan na talaga!

Sandamakmak na ang mga nahalal na mambabatas pero karamihan, “pork barrels” lang ang inaabangan. Nagpapalipat-lipat pa ng kampo para makasigurong makakabahagi ng biyaya para dikwatin. Pareho lang sila ng amoy ng mga kriminal at mga bulaang propeta, ha-ha-ha!

Wala nang masulingan ang mga nangangambang mamamayan dahil sa mga halal ng bayan na kabahagi ng kriminalidad at gobyernong sakmal ng kasakiman. Kawawang Juan dela Cruz!

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with