^

Punto Mo

Pagpatay kay Percy, magbubukas sa iba pang limot na krimen!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KILALA si Percy Lapid na tirador na nagsisiwalat ng mga kabulukan ng gobyerno,  pulitiko, lider ng simbahan, negosyante, illegal gambling operators, corrupt government officials, smugglers, drug lords at mga artista. Kulang ang 160 persons of interest o mga pinaghihinalaang puwedeng pumatay o magpapatay kung tutuusin. Ang dami nila, tsk-tsk-tsk!

Walang habas kung banatan ni Percy kahit ang personal na buhay ng kanyang tinatarget, kaya posible talagang dumami ang makakaaway niya. May mga pagkakataon na tinatawag pa nito nang kung anu-anong nakakatawang bansag, kaya naging atraksiyon ang programa nito maging sa social media at sinasawsawan pa nang mga “trying hard” na vloggers. Kaya lalong kumukulo ang isyu, di ba?

Nakapako sa loob ng National Bilibid Prison ang konsentrasyon ng mga imbestigador dahil sa testimonya ni Joel Escorial, ang umakong pumatay kay Percy. Itinuro nito ang mga middlemen na diumano’y mga preso sa NBP na kumontrata sa kanya para sa pagpatay sa broadcaster. Nakakapagtaka nga kung bakit halos kasabay sa araw ng pagdidiin ni Escorial kay Cristito Palaña Villamor a.k.a Crisanto Villamor ay namatay naman ito.

Nagpahayag naman ang kapatid ni Villamor na matagal nang magkakasama ang mga nababanggit na kriminal sapul pa sa kanilang pagkabata. Ganun naman pala, baka marami pang napatay ang mga ito at ngayon lang nabisto? Tsek n’yo nga!

Nasibak si NBP Director Gerald Bantag at tinanggalan ng security kaya naghihimutok. Marami talaga siyang naging atraso sa panunungkulan at malamang na malagay sa peligro ang seguridad pati kanyang pamilya. Sabi nga ni Erap, “weder-weder” lang ‘yan. Ingat na lang!

vuukle comment

PERCY LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with